Balita

Ginang, nanganak sa kalsada

- Ni BELLA GAMOTEA

Inayudahan ng tatlong nagpapatru­lyang babaeng pulis-Makati ang isang buntis na napaanak mismo sa kalsada nitong hapon ng Disyembre 25.

Isinugod sa Ospital ng Makati ang ginang, 22, at kanyang sanggol na lalaki.

Kinilala ang mga tumulong na pulis na sina PO1 Evangeline Evardo, PO1 Fatima Manalo at PO1 Marygrace Lanaja, pawang Tourist Police patrollers sa P. Burgos, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagpapatru­lya ang tatlong pulis nang maispatan ang ginang na namimilipi­t sa sakit ng tiyan at hindi inaasahang napaanak sa kalsada sa kahabaan ng P. Burgos, bandang 3:30 ng hapon.

Sa unang pagkakatao­n, isinagawa nina PO1s Evardo, Manalo at Lanaja ang kanilang natutunan sa first aid training matapos ipabatid ang insidente sa Tactical Operations Center ng Makati City Police, na humingi ng ayuda sa Makati Rescue para sa emergency ambulance.

Habang hinihintay ang ambulansiy­a, maingat na hinawakan ni PO1 Evardo ang mga kamay ng lalaking sanggol at hawak naman ni PO1 Lanaja ang umbilical cord at si PO1 Manalo ang umasikaso sa ginang.

Dumating ang Makati Rescue Team at dinala sa ospital ang magina na kapwa nasa maayos nang kalagayan.

Samantala, pinuri naman ni Senior Supt. Roeglio Simon, hepe ng Makati City Police, sina PO1 Evardo, PO1 Manalo at PO1 Lanaja.

“The whole PNP takes pride on their selflessne­ss and dedication to duty. Their acts are indeed one of the many PNP’s Good Deeds that need to be shared and emulated by all personnel,” ayon kay Senior Supt. Simon.

“Congratula­tions and keep it up. You are truly a Makati’s Pride!” pagtatapos ni Senior Supt. Simon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines