Balita

Patay sa tsunami, mahigit 400 na

-

CARITA (AFP) – Sinagip kahapon ng Indonesian search and rescue teams ang mga stranded na residente sa malalayong isla at sinisikap na mapasok ang mga naihiwalay na komunidad sa western Java at south Sumatra kasunod ng tsunami na ikinamatay na ng mahigit 400 katao.

Nagbabala ang medical workers na nauubos na ang malinis na tubig at medicine supplies – at nagbabadya ang public health crisis – habang libu-libong survivors ang nagsisiksi­kan sa shelters at mga ospital. Marami ang nawalan ng tirahan sa killer wave.

Nagpakalat ng sniffer dogs para hanpin ang mga nawawala pa rin, ngunit nauubos na ang pag-asang may mahuhukay pang buhay sa ilalim ng mga guho.

Humampas ang dambuhalan­g tsunami nitong Sabado ng gabi nang walang babala, winalis ang sikat na beaches at binaha ang tourist hotels at coastal communitie­s.

Ang huling bilang ng mga nasawi ay ay nasa 429, at 1,485 ang nasugatan at 154 pa ang nawawala.

Ang pagsabog ng bulkang Anak Krakatoa, nasa gitna ng Strait na humihiwala­y sa Java at Sumatra, ay nagpaguho sa isang bahagi ng crater na bumagsak sa dagat at nagdulot ng tsunami, ayon sa mga opisyal.

Nagbabala ang mga ekperto na nananatili­ng mataas ang volcanic activity sa lugar at mas maraming nakamamata­y na alon pa ang maaaring humampas sa mga napinsalan­g rehiyon na ngayon ay naging bundok ng mga tumaob na sasakyan, bangka at iba pang mga basura.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines