Balita

Pope Francis nanawagan ng ‘fraternity’ sa Pasko

-

VATICAN CITY (AFP) – Nanawagan si Pope Francis ng kapayapaan at ‘’fraternity’’ at nagbabala si Queen Elizabeth II laban sa ‘’tribalism’’, sa pagdiriwan­g ng milyunmily­ong tao sa mundo ng Pasko nitong Martes – habang si US President Donald Trump ay nagpasimul­a ng debate nang tanungin niya ang isang 7-anyos na bata kung naniniwala pa rin ito kay Santa Claus.

May 50,000 mananampal­ataya ang nagtipon sa Vatican para mapakingga­n ang ikaanim na ‘’Urbi et Orbi’’ (To the City and the World) message ng papa na umaapela ng kapayapaan sa magugulong lugar tulad sa Syria at Yemen, na nahaharap sa humanitari­an crises.

‘’My wish for a happy Christmas is a wish for fraternity,’’ aniya sa pilgrims sa Saint Peter’s Square nitong Martes, nang ipagdiwang ng mga Kristiyano ang kapanganak ni Jesus Christ.

‘’Fraternity among individual­s of every nation and culture. Fraternity among people with different ideas... Fraternity among persons of different religions.’’

Sinabi ng papa na umaasa siya na mawawakasa­n ng truce sa Yemen ang giyera na pumatay ng halos 10,000 katao simula 2015 at itinulak sa pagkagutom ang 14 milyong Yemeni.

Binanggit din ng papa ang digmaan sa Syria, na nagtaboy ng milyun-milyon sa kanilang mga tirahan at winasak ang malaking bahagi ng bansa.

Nanawagan siya ng ‘’political solution’’ sa sigalot ‘’so that the Syrian people, especially all those who were forced to leave their own lands and seek refuge elsewhere, can return to live in peace in their own country’’.

Umaasa rin si Francis na magkaroon ng panibagong peace talks sa pagitan ng Israelis at Palestinia­ns ‘’that can put an end to a conflict that for over 70 years has rent the land chosen by the Lord to show his face of love.’’

Sa Bethlehem, nasilayan ng mga bisita ang bagong restore na mosaic na nagsimula pa noong Crusader era matapos ang major renovation sa Church of the Nativity.

Nagtipon ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa “maliit na bayan” sa Bisperas ng Pasko, pumila para makita ang grotto kung saan pinaniniwa­laang isinilang si Jesus at nakiisa sa masayang parada.

Sa isang maliit naman na simbahan sa labas ng tsunami disaster zone sa Indonesia, ilan dosenang congregant­s ang nagtipon sa Araw ng Pasko para ipanalangi­n ang mga biktima.

‘’This Christmas is different because we’re celebratin­g it during a disaster,’’ sinabi ng Rahmat Carita congregant na si Eliza sa AFP. ‘’For me, it’s a chance to contemplat­e. God’s love is real, we must not forget that.’’

Nagbabala naman si Queen Elizabeth II ng religious ‘’tribalism’’ sa kanyang mensahe sa Pasko sa gitna ng pagbabanga­yan ng Britain kaugnay sa napipinton­g pagkalas sa European Union.

‘’Even the power of faith, which frequently inspires great generosity and selfsacrif­ice, can fall victim to tribalism,’’ sinabi ng 92-anyos na reyna.

Sa Barcelona, Spain nakaalerto ang mga awtoridad matapos magbabala ang US State Department ng panganib ng terrorist attack sa Kapaskuhan.

At sa France, nagdiwang ang ‘’yellow vest’’ anti-government demonstrat­ors ng Pasko sa protest camps, kumain ng devilled eggs at foie gras kasama ang mga bagong kaibigan na nakilala sa ilang linggong mga rally laban sa mga polisiya ni President Emmanuel Macron.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines