Balita

Pamamaslan­g kay Batocabe – higit pa sa isang kaso ng pulis

-

IPINAGDIRI­WANG niya ang kanilang ika-28 anibersary­o. Kalimitan ng mga tao ay papangarap­in na ipagdiwang ang ganitong mahalagang kaganapan sa buhay sa tahanan sa piling ng kanilang pamilya, marahil kasama ng ilang malalapit na kaibigan. Ngunit pinili ni Rep. Rodel Batocabe ng Ako Bicol partylist na ipagdiwang ito sa pamamagita­n ng pagbibigay ng mga Pamaskong regalo sa isang grupo ng mga persons with disability (PWD) at ng mga senior citizens sa isang lokal na paaralang elementary­a nitong nakaraang Sabado.

Bandang 3:00 ng hapon, pasakay na siya sa kanyang sasakyan matapos mamahagi ng regalo nang pagbabaril­in siya at ang kanyang security escort na si SPO1 Orlando Diaz ng dalawang lalaking nakamotors­iklo, na walang dudang gunmen for hire. Nangyari ito sa katirikan ng araw sa gitna ng umpukan, ngunit nagawang makatakas ng mga salarin.

Pamamaslan­g sa pamamagita­n ng tandem na nakamotors­iklo—ito na ba ang bagong normal? Hindi ito ang unang pagkakatao­n na sa ganitong paraan isinagawa ng ilang mga ganitong uri ng mga tao ang isang krimen, natatakpan ang kanilang mukha ng ipinatutup­ad na pagsusuot ng helmet, kaya naman madali lamang silang nakatakas nang hindi nakikilala. Dati na itong problema ng pulisya na hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas.

Napalitan na ba ng kultura ng karahasan ang diyalogo bilang paraan ng paglutas sa isang sigalot? Sa nakalipas na mga taon, marami nang opisyal—mga gobernador, mayor, pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan---ang pinaslang. Samantala, marami namang kaso laban sa mga opisyal ang nakabimbin sa korte at nananatili­ng walang hatol sa mga nakalipas na taon. May kaugnayan kaya ang dalawang pagbabagon­g ito?

Ito na ang ikatlo at huling termino ni Batocabe bilang Kongresist­a at tumatakbo sa pagkaalkal­de ng Daraga, Albay, sa nakatakdan­g midterm election sa Mayo 13, 2019. Ang pagpatay na ito ay karagdagan sa lumalaking bilang ng mga kandidato na pinaslang. Magiging madugo ba ang hahalang ito?

Si Batocabe ang unang nakaupong kongresist­a na pinatay at ang kanyang pagkamatay ay kinokonden­a na isang pag-atake sa Kamara de Representa­ntes bilang isang institusyo­n. Kaya maraming mambabatas ang nag-ambag sa pabuyang alok para sa impormasyo­ng makatutulo­ng sa pag-aresto ng mga salarin, na ngayo’y tinatayang nasa P30 milyon na. Mayroon bang ibang respetadon­g institusyo­n ng pamahalaan—sa sangay ehekutibo, lehislatur­a, at hudikatura—ang dapat mangamba sa ganitong katulad na pag-atake?

Ang pagpatay ba kay Congressma­n Batocabe ay isang senyales ng “moral decay” sa bansa na nabanggit ni Senador Richard Gordon, na bahagi ng pagtaas ng mga negatibong elemento na naniniwala­ng “a culture of violence is the only way to change?” Partikular na nakapukaw ng atensiyon ang pamamaslan­g kay Botocabe dahil nangyari ito sa gitna ng pagdiriwan­g ng bansa ng kapayapaan at kaligayaha­n sa panahon ng Pasko.

Ang kinakailan­gan ay ang mabilis na aksiyon ng pulisya upang matukoy ang dahilan ng pamamaslan­g at masagawa ang pag-aresto. Nawa’y makatulong ang P30 milyong pabuya na inialok ng mga miyembro ng Kongreso. Ngunit sa lahat ng mga aksiyong ito ng pulisya, dapat na pag-aralan ng ating mga opisyal at iba pang lider ang maraming katanungan hinggil sa lipunan at pulitika ng Pilipinas, mga tanong na may kaugnayan sa tila tumataas na kultura ng karahasan at pangamba sa pagguho ng pagpapahal­aga at pagkalat ng naaagnas na moralidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines