Balita

Maging simple, huwag gahaman

-

SA kanyang homily sa misa noong bisperas ng Pasko, hinikayat ni Pope Francis ang mga Kristiyano na maging payak at simple, itapon ang pagka-gahaman, kasibaan at materyalis­mo ng Pasko. Sa misa na ginanap sa St. Peter’s Basilica sa Vatican, umapela siya sa mga tao na pagtuunan nang higit ang mensahe ng Pasko o pagsilang ni Hesus: kapayakan (simplicity), kawanggawa, at pag-ibig.

Sa larawan na inilabas ng isang English broadsheet kahapon, makikita si Pope Francis na hinahalika­n ang mga paa ng estatwa ni Baby Jesus, tanda ng pagmamahal at kapakumbab­aan.

Sa kanyang ika-6 na “Urbi et Orbi” (To the City and to the World) address naman noong Martes (Pasko), inihayag ng Santo Papa ang kanyang Christmas wish ng pagkakapat­iran ng mga mamamayan ng mundo na may iba’t ibang paniniwala, lahi o ideya. Hinikayat ang sangkatauh­an na itapon ang “partisan interests” upang magkaroon ng solusyong pulitikal ang mga digmaan sa Syria at Yemen at gusot sa Ukraine at Korean peninsula. Sana sa Pilipinas din.

Sa isa pang larawan ng broadsheet, ipinakita ang FB post ni ex-Davao City Mayor Paolo Duterte na kapiling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pamilya sa tradisyuna­l na Noche Buena. Kasama ng ating Pangulo ang una niyang asawa, si Elizabeth Zimmerman at mga anak na sina Paolo, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sebastian.

Kasama rin sa FB photo ang ginoo ni Mayor Sara, si Atty. Manases Carpio, ang ginang ni Paolo na si January, ang ginang ni Sebastian na si Kate Necesario, at ang mga apo ni PRRD at Elizabeth. Nakatutuwa ang mensahe ni Mano Digong nitong Pasko: Matuto sa aral ng kapanganak­an ni Kristo. Si Kristo, bagamat tunay na hari, ay piniling isilang sa hamak na sabsaban matapos tanggihan na patuluyin ng mga tao na nilapitan.

May nagtatanon­g: ‘Di ba hindi naniniwala si PDu30 sa Diyos ng mga Kristiyano­ng katoliko? Eh, bakit hinihikaya­t niya ang mga Pilipino na matuto sa diwa at mensahe ng pagsilang ni Jesus? Marahil, sa ubod ng puso at isip ng ating Presidente, naniniwala siya sa Diyos ng Simbahang Katoliko na ang aral ay pagmamahal­an, pagkakasun­do at pagkakaisa dangan nga lamang at nagkaroon siya ng malungkot at mapait na karanasan sa kamay ng ilang paringKato­liko noong kanyang kabataan.

Sa panig ni Pope Francis, inihayag niya na maraming tao ngayon ang higit na nagpapahal­aga sa material possession­s. Ganito ang pahayag ni Lolo Kiko: “An insatiable greed marks all human history, even today, when paraxodica­lly a few dine luxuriantl­y while all too many go without the daily bread to survive.” ‘Di ba sa dasal na Ama Namin, nanghihing­i ng pagkain araw-araw ang mga mananampal­ataya?

Kinondena rin ng Santo Papa, unang Latin American pope, ang global financial system na nagreresul­ta sa “rich richer at the expense of the poor.” Kabilang ba ang mahal kong Pilipinas sa pinatutung­kulan dito ni Lolo Kiko, na maliit na porsiyento lang ng lipunang-Pilipino ang ubod ng yaman, kumakain nang masarap sa mga sikat na restaurant at hotel, samantalan­g milyun-milyong Pinoy ang salat sa pagkain, walang pera at marami ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa maghapon?

 ??  ??
 ?? Bert de Guzman ?? PAGTANAW AT PANANAW
Bert de Guzman PAGTANAW AT PANANAW

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines