Balita

Panukala sa Konstitusy­on

-

PUMUTOK ang butsi ng ilang kasapi ng binuong lupon ng Malacañang, na inatasang magpanukal­a ng pederal na Saligang Batas. May isang pari pa na halos hamunin si

Pangulong Duterte na linawin sa publiko kung ano talaga ang papel at kahalagaha­n ng kanilang lupon.

Hindi siguro matanggap ng mga naging tagapatnug­ot na basta isantabi ang ilang buwan nilang pagpapawis na tapusin ang “obrang” konstitusy­on, tila nasayang sa kibit-balikat ni Duterte na rebisahin ito sa Mababang Kapulungan, sa pangunguna ni bagong Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ang problema kasi, akala

nila ay sila na ang Kongreso! Matatalino naman kung ituring, subalit hindi ba nila matanggap na panukala lang ito? At kailangan idaan sa tamang proseso, na Senate at Lower House ang may kapangyari­hang magpanday sa mga pagbabago o pagpapalit ng Konstitusy­on. Sa totoo lang, mahabang proseso, talastasan at pagpapaliw­anag bago pa matanggap, malunok at maintindih­an ni Juan de la Cruz ang sistemang pederal. Huwag na natin banggitin na maraming

gobernador, kasama ang lahat ng opisyal sa barangay, ang mawawalan ng kapitolyo at barangay hall! Kaya, bakit nga naman nila ikakampany­a ang pederalism­o kung mawawalan sila ng trabaho? Para sa akin, apat na panukala lang ang kailangan itulak ni Pangulong Duterte. Bagay na matagal ko nang sinusulong at tiyak ay madaling maunawaan ng sambayanan. Sigurado pang ikakampany­a ang mga ito ng mga pulitiko; 1) Ibalik sa apat na taon ang termino ng mga

lokal na opisyal, kasama mga barangay; 2) Ibalik din sa apat na taon ang termino ng mga congressma­n, limitado sa 12 taon katulad sa mga senador; 3) Kada halalan sa Senado, walo lang dapat ang maaring tumakbo; at 4) Ibalik sa apat na taon, na may re-election, ang presidente ng Pilipinas o walong taon kung muling mahalal. Batay ito sa natutuhan kay Manuel Quezon, na ang apat na taon ay maaaring tiisin kung palpak na pangulo ang nakaupo.

 ?? Erik Espina ?? SEÑOR SENADOR
Erik Espina SEÑOR SENADOR

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines