Balita

Vargas sa POC, naudlot na pagbabago

- Annie Abad

INABANGAN ng sports community ang resulta ng eleksyon para sa pagkapangu­lo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ay matapos na katigan ng korte ang apela ni Ricky Vargas at Bambol Tolentino upang payagan silang na makatakbo sa eleksyon at kalabanin ang matagal nang nanunungku­lan noon na si dating congressma­n Jose “Peping” Cojuangco.

Ikinatuwa ng marami ang resulta ng eleksyon kung saan nagwagi si Vargas at winakasan ang 13 taong panunungku­lan ni Cojuangco bilang presidente ng POC.

Naging usap usapan ang pagkatalo ni Cojuangco sa naturang eleksyon gayung ilan sa kanyang mga sinasabing kaalyado ang diumano’y tumalikod sa kanya.

Nagwagi sa 24 boto si Vargas habang 15 lamang ang bumuto kay Cojuangco buhat sa mga miyembro na National Sports Associatio­n (NSAs).

Habang si Tolentino naman ay nanalo nilang chairman ng POC sa 23 panalo kontra sa nakuhang boto ng kanyang nakalaban na si Ting Ledesma ng Table Tennis na nakakuha ng 15 boto.

Sa ngayon, napalitan na ang pumunuan ng POC at nawakasan na rin ang mahabang taon ng pamumuno ni Cojuangco.

Ngunit, makalipas ang 10 buwan na panunungku­lan ni Vargas, marami pa rin ang naghihinta­y ng pagbabago, higit ang pagkakaroo­n ng resolusyon sa mga hidwaan at leadership dispute sa ilang sports associatio­n tulad ng swimming, volleyball, muay thai, wrestling, bowling at jiu-jutsu.

Naniniwala ang nakararami na ang pag upo ni Vargas ay simula na ng malaking pagbabago sa pamumuno ng nasabing kumite na matagal nang inaasam ng mga miyembro nito.

Ngunit, kung pagbabaseh­an ang galaw ang bagong liderato sa POC tila walang pagbabago na magaganap para matugunan ang pangangail­angan ng mga sports associatio­n.

 ??  ?? Vargas
Vargas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines