Balita

Konting konsideras­yon

-

KINILIG ba kayo nang masilayan n’yo ang mga paboritong n’yong artista na nakibahagi sa parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ilang piling lugar, nitong nakaraang Biyernes?

Sa kabila ng pabugsubug­song pag-ulan, dumagsa ang mga tagahanga sa daraanan ng makukulay na float ng mga artista.

Bitbit ang payong, tiniis ng mga tagahanga ang matagal na pagtayo upang abangan ang pagdaan ng mga float.

Kung ating iisipin, isang beses lang sa isang taon na makakita tayo ng ganito kaenggrand­eng pagtitipon ng mga butuin sa puting tabing.

Ngunit sulit nga ba ang ganitong okasyon na nagpapakil­ig ng daang libong tagahanga, na nagtitiis sa paghihinta­y ng mahabang oras para sa mga artista?

Lalong tumagal ang paghihinta­y ng showbiz fans nang mabalahaw ang walong float sa isang maputik na lugar sa Parañaque. Ilang oras bago naialis ang mga float at

umarangkad­a.

Habang atubili ang mga organizer na maialis ang mga tumirik na float, naipit naman sa matinding trapik ang mga sasakyan hindi lamang sa iba’t ibang ruta na daraanan ng mga artista.

Damay-damay na ang nangyari!

Umabot sa South Luzon Expressway (SLEX), Makati, at Maynila ang matinding trapik.

Halos walang galawan! Ang matindi rito ay naglaho ang mga traffic constable ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), na sana’y magmamando ng trapiko matapos na magbuhulbu­hol

ang mga sasakyan sa maraming lugar.

Ang nagpalala sa sitwasyon ang pagbuhos na ulan, dahilan upang umabot sa gitna ng kalsada ang mga naghihinta­y na pasahero.

Natural lamang na lalong bumagal ang daloy ng mga sasakyan dahil nasa gitna na ng kalye ang mga commuter.

Hindi ba’t ang MMDA ang dapat na punong-abala sa pagsasaayo­s ng traffic?

Sa sitwasyong ito, ang MMDA ang naging puno’t dulo ng pagkakabuh­ul-buhol ng mga sasakyan dahil ito rin ang organizer ng MMFF.

Nasaan na ang MMDA sa kasagsagan ng traffic noong

mga oras na iyon? Nanonood din ba kayo ng parade?

Imbes na matuwa ang mga taga-Metro Manila sa pagsasagaw­a ng MMFF parade ay puro mura ang naririnig natin sa kanila.

Isinabay pa kasi ang parade sa Christmas rush kaya marami ang nadamay.

Bakit hindi na lang isagawa ang MMFF celebratio­n sa isang malaking lugar, katulad ng Quirino Grandstand, at doon na lang manatili ang mga artista upang hindi makaperwis­yo sa traffic?

Pakiusapan na lang silang magsagawa ng ‘meet-andgreet’ session para sa fans.

Hindi ba’t mas maganda ito?

 ?? Aris Ilagan ?? BOY COMMUTE
Aris Ilagan BOY COMMUTE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines