Balita

Maine, nanorpresa, pinagkagul­uhan sa theater tour

- Nora V. Calderon

MAAGA pa noong Christmas Day, December 25, ay nag-post na si Maine Mendoza sa Instagram ng picture niya with a caption: “What it feels like working on Christmas Day.”

Yes, mag-isa kasing nag-theater tour si Maine sa mga sinehan sa opening ng pelikula nilang Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles with Vic Sotto and Coco Martin. May screening na kasi as early as 9:30 am.

First stop ni Maine ang SM Mall of Asia, at doon pa lang ay sinalubong na siya ng napakarami­ng fans, na ang iba ay hindi na nakapasok sa first screening, pero masaya sila dahil nakita naman nila si Maine.

Second stop niya ang SM Megamall sa Pasig City. Iyong ibang moviegoers, nasorpresa sa pagdating ni Maine. Sa dami ng tao na kasamang nanood ni Maine, biro niya, wala raw siyang naintindih­an pero sana raw ay nagustuhan nila ang movie. Third stop ni Maine sa Trinoma. “Sana kung nagustuhan ninyo ang movie, panoorin ninyo ulit.”

Fourth stop ni Maine sa The Block SM North EDSA. Dito na raw nahirapan nang husto ang security dahil nabalitaan nang darating si Maine (katabi lang kasi ang Trinoma), kaya binantayan na ng fans ang pagdating niya.

Labis ang pasasalama­t ni Maine sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa kanilang movie na showing na in cinemas nationwide.

Nagkaroon din pala ng theater tour ang katambal niyang si

Coco Martin pero hindi naman sila nagkasalub­ong sa alinman sa sinehang pinuntahan ni Maine. Maganda naman iyon dahil naaliw nila at napasalama­tan ang mga moviegoers.

Kinagabiha­n nag-post naman si Maine na manonood ang buong family niya, sina Tatay Teddy, Nanay

Mary Ann, mga brothers na sina Nico at Dean, at sisters Nikki and

Coleen.

Nag-tweet si Nanay Mary Ann (@ macmendoza­75): “Finally napanood na rin namin ang JEP. Promise, hindi naman ako bias. It’s worth the time and money. Congrats Vic, Coco, Meng and the entire production team. Sa mga hindi pa nakakapano­od, please watch. Ganda talaga!”

Ayon kay Direk Mike Tuviera, sa second day nila kahapon ay nadagdagan­n na sila ng sinehan. Ngayong December 27, simula na ng internatio­nal screening ng movie.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines