Balita

Terrence Howard pakakasal uli sa ex-wife

-

MAY second chance para sa aktor na si Terrence Howard at sa kanyang dating misis.

Sa ulat ng Cover Media, nakatakdan­g muling pakasalan ng Crash Cameron actor ang ina ng kanyang dalawang batang anak, tatlong taon makaraan ang kanilang sekretong diborsiyo.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng The Empire star nitong Christmas Day na nag-propose siya kay Mira Pak, ang ina ng kanyang mga anak nasi Qirin, 3-anyos; at

Hero, dalawang taong gulang. Sa kanilang family dinner sa Crustacean Beverly Hills, tinanong ni Terrence si Mira, kung saan siya nagbigay ng “special toast to their future together.”

“We have an idea of how long we think life is, but we do know how short it can be,” pagsisimul­a niya sa video footage na kanyang ibinahagi online. “It took me 45 years to find you... But now that I have you in my 50th year, I will spend the rest of eternity at your side. And I pray that everybody finds that one that will complete them for all eternity because it means everything. I love you.”

“I love you too, baby,” tugon ng emosyonal na si Mira.

Ibinahagi rin ng 49-anyos na aktor ang larawan ng seven-carat diamond ring na ibinigay niya kay

Mira, kasama ng pasasalama­t sa designer nito nasi Ben Baller.

“Thank you @benballer @ ifandco The Most Gifted Jeweler in The World!!!” caption ng post ni Terrence. “Valentines coming soon, let’s show them how to truly Love your Woman (sic)!” Unang nagpakasal ang The

Best Man actor at ang model at restaurate­ur noong 2013, ngunit tahimik na naghiwalay makalipas ang dalawang taon na nabalita lamang ang paghihiwal­ay nitong 2015 sa court proceeding­s sa pagitan ng aktor at ng dati niyang asawa na si Michelle Ghent.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na muling pinakasala­n ni Terrence ang kanyang ex. Dalawang beses din siyang ikinasal sa kanyang unang asawa nasi Lori McCommas noong 1989, na nagdiborsi­yo noong 2003 at muling ikinasal noong 2005 na natapos makalipas ang dalawang taon.

 ??  ?? Mira at Terrence
Mira at Terrence

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines