Balita

Nicki Minaj, magboboses sa ‘Angry Birds 2’

-

MAGIGING bahagi ang singer na si Nicki Minaj sa The Angry Birds Movie 2, ayon sa eksklusibo­ng ulat ng Variety.

Ipapalabas ang Sony Animation sequel sa Agosto 16, 2019.

Hindi pa tukoy ang magiging role ni Nicki bagamat kumpirmado­ng magbabalik sa kanilang mga voice character sina Jason Sudeikis, Josh Gad, Bill Hader, Danny McBride, at Peter Dinklage mula sa unang pelikula. Na ngayon ay sasamahan nina Leslie Jones, Rachel Bloom, Awkwafina, Sterling K. Brown, Eugenio Derbez, Lil Rel Howery, Dove Cameron, at Zach Woods. Ididirehe ang Angry Birds Movie 2 ni Thurop Van Orman at ni John Rice. Produced ang pelikula nina John Cohen at Mary Ellen Bauder Andrews. Habang sina David Maisel at Catherine Winder ang executive producer. Sony Pictures Imageworks ang hahawak ng animation.

Sasabay ang release ng pelikula sa ika-10 anibersary­o ng hit video game, na nakapagtal­a ng mahigit apat na bilyong downloads.

Noong 2016, kumita ang Angry Birds ng $350 million worldwide, kabilang ang $107.5 million sa domestic released. Inilabas ito sa direksyon nina Fergal Reilly at Clay Kaytis, na naka-set sa isang isla na tirahan ng mga “happy, flightless birds “— maliban kay Red (boses ni Sudeikis), speedy Chuck (Gad), at Bomb (McBride). Magbabalik si Hader bilang Leonard, king of the pigs, at si Dinklage para sa Mighty Eagle.

Kabilang naman sa una nang movie credits ni Nicki ang Ice Age: Continenta­l Drift, The Other Woman, at ang Barbershop: The Next Cut. Nakakuha na ang rapper ng 10 Grammy Awards nomination­s, anim na American Music Awards, 11 BET Awards, at apat na MTV Video Music Awards.

 ??  ?? Nicki
Nicki

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines