Balita

Angelica, nahanap na ang nawawala

- Ni REGGEE BONOAN

KUNG ibabase sa ipinost ni Angelica Panganiban ang family picture nila nitong Pasko na kasama ang aktor na si Carlo Aquino at may caption na “Masaya ang lahat, Merry Christmas”, maaaring sabihing “nagkabalik­an na sila”.

Binati ni Direk Dan Villegas sina Carlo at Angelica ng “Merry Christmas” na sinagot naman ng huli ng, “Rekdi, Merry Christmas! Nahanap ko na ‘yung nawawala.”

Kinilig at nag-thumbs up ang lahat ng followers ni Angelica, pati na rin ang mga kapwa artista nila ay nag-post din ng mga puso.

Baka lang kasi masyado kaming nag-assume kaya nagtanong kami sa mga taong malapit kina Carlo at Angelica kung “sila na” ulit at puro smiley ang isinagot sa amin.

Nakakatuwa dahil totoo pala talaga ang kasabihang “first love never dies” dahil parehong first love nina Carlo at Angelica ang isa’t isa. At sabi nga nila, nagkahiwal­ay sila dahil nagkaroon ng iba ang aktor, at kahit na nagkaroon sila ng ibang relasyon ay nagkukumus­tahan pa rin sila minsan.

Inamin din ng dalawa na pareho pa silang mga bata pa noon.

Malaking bagay na nagsama sila sa pelikulang

Exes Baggage, dahil dito muling kinilig ang kanilang supporters. Maging ang dalawa ay nagulat din na ang ganda ng response ng publiko sa kanila.

Pati ang mga kapwa artista ay botong-botong magkabalik­an sina Carlo at Angelica at maging ang mga magulang nila per se.

Sa guesting ng dalawa sa Gandang Gabi Vice ay inamin nilang mahal nila ang isa’t isa, pero hindi pa sila nagkakabal­ikan. Napaiyak pa nga si Angelica na kung sakaling magkaroon na ulit ng karelasyon ang aktor ay sana ganu’n pa rin ang kanilang pagtitingi­nan.

Simula noong Setyembre nang ipalabas ang

Exes Baggage ay wala kaming nabalitaan­g may ibang babaeng nali-link kay Carlo, at maski saan siya magpunta ay si Angelica ang hinahanap sa kanya.

Nabanggit din ng binata na parati silang nagkikita ng dalaga at sinusundo pa niya sa bahay kapag pareho sila ng pupuntahan, pero hindi pa raw sila ulit.

Sa mga lakaran ay sila parati ang magkasama pati sa mga get-together kasama ang common friends.

At maging sa trabaho ay magkasama pa rin dahil nga kasama na sa cast ng Playhouse si Carlo bilang manliligaw ni Angelica.

Grabe, ang daming kinikilig sa karakter nilang Harold at Patty, kaya na-extend ang guesting ng aktor dahil magaganda ang feedback at tumaas ang ratings ng morning serye.

Kaya abangan kung kanino mapupunta si Patty sa huli, kung kay Doc Harold o babalikan ng una ang asawang si Marlon (Zanjoe Marudo).

Going back to Carlo at Angelica, masasabing destiny nila ang isa’t isa, dahil alam naman ng lahat na ang pinagdaana­ng relasyon ng dalawa ay muntik nang humantong sa kasalan, pero hindi natuloy.

 ??  ??
 ??  ?? Angelica at Carlo
Angelica at Carlo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines