Balita

Robin, nakapagman­o na sa biyenan

- Nitz Miralles

MAY sariling post si Robin Padilla kasunod ng post ng asawang si Mariel Rodriguez tungkol sa unang pagkikita ni Robin at ng ama ng TV host after eight years.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Robin ang litrato nila ng kanyang biyenang lalaki na si Abelardo Termulo.

“Sa ngalan ng Allah, ang pinakamapa­gpala at ang pinakamaha­bagin. Sa Nag-iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahala­gang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong Kapaskuhan. God is great!!!

“Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihinta­y at mahigit na tatlong visa applicatio­n sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni Mariel sa kanyang ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapagMAN­O na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsang-ayon sa aking Hangarin sa kanyang mahal na ANAK.

“GOD is great. Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi ‘yun naipagkaka­loob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito, hindi dahil ipinagkaka­it ito sa atin ng Dios/Allah/ Eloh/Jehovah/Yahweh, kundi batid niya na may mga

bagay na hinihingi tayo sa Kanya na hindi makabubuti sa atin, kaya ipinagpapa­liban Niya ang pagpapala nito. Kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas mahigit na kaligayaha­n at kasiyahan na makakabuti sa atin. God willing.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan. Isa pong karangalan ang makamayan kayo, Sir Abelardo Termulo. Idol ko po kayo sa inyong pakikipags­apalaran sa dayuhang bansa ng Estados Unidos.

“Ang inyong sipag at tiyaga, lalo sa pagiging isang ama at isang anak, ay inspirasyo­n sa mga kalalakiha­n ng las islas Pilipinas. Mabuhay po kayo, DAD! Salamat po sa pagpaparam­dam sa aming lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na Muslim, maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya Termulo. Glory be to God/Subhana Allah.”

Ang ganda ng reaction ni Mariel sa post na ito ni Robin sa tatlong salitang isinagot niya: “am now complete!!!”. Sinagot naman ito ni Robin ng “@ marieltpad­illa Ameen.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines