Balita

‘Policeman’ role ng US sa mundo, tapos na –Trump

-

AL-ASAD AIR BASE, Iraq (AFP) – Ginamit ni President Donald Trump ang kanyang biglaang pagbisita sa Iraq – ang una niyang pagdalaw sa US troops sa conflict zone simula nang mahalal – para depensahan ang pag-urong sa Syria at ideklara na tapos na ang papel ng America bilang ‘’policeman’’ ng mundo.

Lumapag si Trump dakong 7:16 ng gabi sa Al-Asad Air Base sa kanlurang Iraq, kasama ang asawang si Melania.

Nagsalita ang president sa grupo ng halos 100 special forces personnel at hiwalay sa military leaders bago umalis makalipas ang ilang oras.

Sa Iraqi military base, ipinagtang­gol ni Trump ang polisiya niyang ‘’America first’’ na umurong sa multinatio­nal alliances, kabilang sa itinuturin­g ng maraming Amerikano na tila walang katapusang digmaan sa Middle East.

‘’It’s not fair when the burden is all on us,’’ aniya. ‘’We don’t want to be taken advantage of any more by countries that use us and use our incredible military to protect them. They don’t pay for it and they’re going to have to.’’

‘’We are spread out all over the world. We are in countries most people haven’t even heard about. Frankly, it’s ridiculous,’’ aniya pa.

Sinabi ni Trump na tinanggiha­n niya ang hiling ng mga heneral na palawigin ang deployment sa Syria, kung saan 2,000 sundalong Amerikano, kasama ang iba pang dayuhang tropa, ang tumutulong sa mga lokal na mandirigma sa pakikipagl­aban sa teroristan­g grupong Islamic State.

‘’You can’t have any more time. You’ve had enough time,’’ aniya sa top brass.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines