Balita

100K ektaryang produksiyo­n ng sorghum sa 2019

-

HANGAD ng Department of Agricultur­e (DA) na makapagtan­im ng 100,000 ektarya ng sorghum o batad, karamihan sa mga lupang minana ng mga Indigenous People (IPs) upang masuportah­an ang mga nag-aalaga ng mga baboy at manok sa lugar.

Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, ang village-level feed mill ay itatatag upang matulungan ang mga magsasaka na makapag-ani ng kanilang sariling pakain (feeds) sa murang halaga.

Aniya, sa pamamagita­n ng pagtatatag ng village-level feed mills, maaaring makakuha ng loan ang mga nag-aalaga ng baboy at may manukan mula sa Agricultur­e and Fisheries Machinery and Equipment Loaning program ng DA.

Isang grupo ng mga nag-aalaga ng baboy mula sa rehiyon ng Davao ang unang grupo na makakukuha ng loan para sa feed mills na ibibigay sa dalawang porsiyento­ng interes kada taon na maaaring bayaran sa loob ng walong taon.

Sinimulan ito ng DA sa pamamagita­n ng unang Sorghum Pilot Farm sa San Vicente, Makilala, North Cotabato.

“Yesterday (Dec. 25), on the way to a Christmas Day visit of my mother, Efigenia, who is suffering from Alzheimer’s, I dropped by the DA Sorghum Demonstrat­ion Farm in San Vicente. What I saw really impressed and inspired me. At one month and one week, the Sorghums were growing vigorously and in about a week, the panicles are expected to show followed by the flowering stage,” pagbabahag­i ni Piñol sa kanyang Facebook page.

Sa pagtatapos ng Pebrero sa susunod na taon, aniya, “the six-hectare Pilot Farm could be harvested and judging from the physical appearance of the plants, I project a very good harvest.”

Dahil kakaunti lamang ang naaani ay mas nagiging mahal ito kaya napipilita­n ang mga feed millers na umangkat pa ng feed wheat. Dahil dito, ipinakilal­a na ng DA ang sorghum sa iba’t ibang rehiyon ng bansa habang patuloy nitong inaaral ang bagong mapagkukun­an ng mga butil para sa lumalagong livestock at poultry industry sa bansa.

Mataas ang protein content ng Sorghum kumpara sa mais na maaaring tumubo nang malago sa mahihirap na lugar na nangangail­angan ng kaunting tubig. Sa isang anihan, maaaring makapagani ng sorghum ang magsasaka ng tatlong beses dahil sa ratooning, na dahilan para maging mas mura ito.

Ayon pa kay Piñol, ang 100,000 ektarya para sa pagtatanim ng Sorghum planting sa susunod na taon ay maisasakat­uparan sa pamamagita­n ng Special Area for Agricultur­al Developmen­t (SAAD) Program ng DA, na binuo para sa benepisyo ng mahihirap na sektor sa agrikultur­a at pangingisd­a.

Base sa inisyal na resulta, ang 100,000-hectare area ay maaaring makapag-ani ng hindi bababa sa 2-milyon metric tons (MMT) ng Sorghum grains para sa pakain at higit 8-MMT ng pakain para sa mga baka at iba pang alagang pansaka.

Sa mababang gastos sa pakain, sinabi ng kalihim na mas makakasaba­y ang mga lokal na nag-aalaga ng baboy at may poultry sa pamilihan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines