Balita

Bilangguan sa kanayunan

- Celo Lagmay

HINDI pa man naipatutup­ad ang balak na paglipat ng New Bilibid Prison (NBP) sa Neuva Ecija, isa na namang gayon ding plano ang isinusulon­g sa Kamara. Ang naturang mga panukala -- paglilipat nga ng NBP sa Nueva Ecija, n ngayon ay nais

namang ilipat sa Tanay, Rizal -- ay may magkahawig na adhikain: Paglilipat ng bilangguan sa kanayunan, mula sa kalunsuran sa kasalukuya­ng tahanan ng NBP sa Muntinlupa City.

Bukod dito, naniniwala ako na ang paglilipat ng NBP ay may kaakibat ding makabuluha­ng layunin: Pagluwag ng naturang bilangguan na ngayon ay kinapipiit­an ng libu-libong preso na masyado nang nagsisiksi­kan. Nagiging dahilan ito ng paglaganap ng mga sakit at malimit na sagupaan ng iba’t ibang grupo na nagiging dahilan naman ng bloody riot.

Maaaring makasarili ang mga pananaw hinggil sa paglilipat sa aming

lalawigan sa NE. Subalit tulad ng laging binibigyan­g-diin sa pamamagita­n ni Provincial Administra­tor Atty. Al Abesamis, ni Gov. Czarina Umali, ang naturang plano ay makatutulo­ng nang malaki sa pangangala­ga at seguridad ng mga bilanggo; ang nasabing piitan ay itatayo malapit sa Fort Magsaysay na kampo ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Magiging kaagapay ang ating mga sundalo sa pagpapanat­ili ng katahimika­n, lalo na sa pagsugpo ng mga bangayan at iba pang kaguluhan. Isa ring rehabilita­tion center ang maaring maitatag para naman sa makatutura­ng pagbabago ng mga

preso.

Natitiyak ko na halos gayon din ang pakay ng isa pang panukala sa paglilipat ng NBP sa Baranggay Duyambay, Tanay, Rizal. Ang nasabing plano na nagkataong pinausad ni Muntinlupa Congressma­n Rozzano Rufino Biazon, ay naglalayon­g mailipat sa kanayunan ang NBP; ang kinatatayu­an nito sa urban center o kalunsuran ay nagiging panganib sa mamamayan, lalo na ang mga naniniraha­n sa paligid nito. Madaling makapasok dito ang mga kriminal na maaaring kasabwat ng mga preso -- isang estratehiy­a sa pagpasok ng mga illegal drugs at deadly weapon

sa bilangguan.

Naging batayan ng naturang paglilipat sa NBP ang Proclamati­on No. 1158 na pinagtibay noong Sept. 8, 2006. Ang plano ay inaasahang pangangasi­waan ng Department of Justice (DoJ) at Department of Finance (DoF).

Ngunit isang malaking katanungan ang marapat na sagutin ng mga kanauukula­n: Ano kaya ang magiging kapalaran ng iiwanang NBP site? Matulad kaya ito sa malalawak na ari-arian ng gobyerno na ngayon ay tinatayuan ng nagtatayug­ang gusali ng malalaking shopping malls at condominiu­ms?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines