Balita

Totoo palang masakit manampal si Jean Garcia—Jeric

- Jean at Jeric Nitz Miralles

HINDI namin masyadong nakausap si Jeric Gonzales nang bumisita kami sa taping ng Ika-5 Utos, dahil sunud-sunod ang eksenang kinukunan ni Direk Laurice Guillen sa kanila nina Jake Vargas at Inah de Belen.

Kaya nang makausap namin siya, mabilisan lang ang pagtatanon­g namin sa kanya. Sinabi ni Jeric na masaya siyang untiunti nang nare-recognize ang acting niya sa Ika-5 Utos.

“Masaya ako na unti-unti nang natutupad ang pinaghirap­an ko. Tuluy-tuloy pa rin naman ang workshop ko kahit airing ang ang Ika-5 Utos. Ayaw kong mapahiya kay Direk Laurice at sa mga kasama ko, lalo na ‘yung madalas kong nakaka-eksena.

“Ayaw ko ring nagtatagal ang trabaho namin dahil hindi ko makuha ng tama ang eksena. Nakakahiya rin sa GMA-7 na nagtiwalan­g bigyan ako ng magagandan­g role, kailangan kong tapatan ang tiwala nila sa akin,” sabi ni Jeric.

That time na bumisita kami sa taping, katatapos lang kunan ang eksenang sinampal ni Jean Garcia si Jeric (mag-ina ang role ng dalawa sa Afternoon Prime ng GMA-7).

“Dream come true for me na masampal ni Ms. Jean, dahil matagal ko nang gusto na masampal niya. Tama pala ang sabi ng mga nasampal na ni Ms. Jean, na masakit siyang manampal. Proud akong pnaalsampa­l ako ni Ms. Jean,” pagtatapos ni Jeric. Masaya ang nagdaang Pasko ni Jeric at maganda ang Bagong Taon niya dahil may show pa siya at matutupad na ang dream niya na maging recording star, dahil gagawa siya ng album sa GMA Records.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines