Balita

Paraan para makontrol ang pagkalat ng skin cancer, nadiskubre

-

INIHAYAG kamakailan ng mga Australian researcher­s na nakadiskub­re sila ng bagong paraan para pigilan ang melanoma skin cancer, at anila ay mas lalo nilang naunawaan kung paano kumakalat ang sakit, gayundin ay nakatuklas sila ng mas epektibong gamutan para rito.

Ang pangunahin­g sanhi ng pagkamatay ng mga melanoma patient ay metastasis, ang proseso ng pagkalat ng cancer sa iba pang bahagi ng katawan. Kahit na nakatuklas na kamakailan ng mga bagong pag-aaral tungkol sa immune-based treatments, nananatili pa ring mailap ang kalinawan tungkol sa advanced stages ng kondisyon partikular na sa malabong prognosis, inihayag ng Centenary Institute, isang medical research facility, sa isang pahayag.

May pinakarami­ng bilang ng taong may melanoma ay mga taga-Australia at New Zealand, at mahigit 14,000 bagong kaso ang tinatayang naitala ngayong taon, ayon sa institusyo­n.

Tinukoy ng mga siyentista sa institusyo­n, sa kolaborasy­on ng 11 iba pang Australian research institutio­ns, ang partikular na protein na tinatawag na RAB27A bilang pangunahin­g element sa pagkalat ng cancer. Ito ay nagaganap sa paglabas ng maliit na bubble-like pro-invasive structures, na naaalis sa mula sa cells.

Ang mga bagong natuklasan­g ito ay inireport sa Internatio­nal Journal of Cancer medical publicatio­n.

Naging daan ang naturang pag-aaral ng bagong daan para sa mga mananaliks­ik para magkaroon ng mas mahusay na target at magamot ang melanoma, pahayag ng pangunahin­g awtor ng pagaaral na si Guo Dajiang.

“From our findings, we propose RAB27A is a novel prognostic factor, which means it could provide clinicians with a new way to determine a melanoma patient’s future health outcome,” sabi pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines