Balita

‘Panghihipo’ ni Kevin Spacey, may video

-

NAGAWANG makuhanan ng video ng 20-anyos na binata, na nag-aakusa ng sexual assault laban kay Kevin Spacey, ang bahagi ng nasabing insidente na nangyari umano sa isang seaside restaurant malapit sa Boston noong 2016, ayon sa court filings na nakuha ng Agence France Presse.

Sa Enero 7 pormal na sasampahan ng “indecent assault and battery on a person over 14 years of age” ang 59-anyos na Oscar winner at bida ng House of Cards series sa isla ng Nantucket.

Sakaling mapatunaya­ng nagkasala, maaaring makulong nang hanggang limang taon si Kevin.

Sinabi ni William Little, na 18 anyos nang mangyari ang umano’y sexual assault noong Hulyo 2016, sa pulisya na nagpadala siya ng mga mensahe, kabilang ang isang video, sa kanyang girlfriend sa pamamagita­n ng Snapchat app mula sa “Club Car” restaurant sa Nantucket, kung saan siya nagtatraba­ho bilang bus boy, ayon sa mga dokumento ng korte.

Nanatili umano si William sa bar pagkatapos ng kanyang shift upang makita si Kevin, dahil fan siya ng bida ng American Beauty (1999) at The Usual Suspects (1995).

Matapos na makilala ang aktor at sinabi niya ritong siya ay 23 anyos—21 anyos ang legal drinking age sa Massachuse­tts—sinimulan na nilang mag-inuman ni Kevin at beer at whiskey ang kanilang ininom.

Kalaunan, aniya, inimbitaha­n siya ni Kevin sa bahay nito, kasama ang ilang kaibigan. Tumanggi umano si William, sa hinalang sineseduce siya ng aktor. Subalit nanatili siya sa bar dahil gusto pa niyang magpakuha ng litrato kasama si Kevin.

“Will only lingered around because he wanted a picture with Spacey, something for Instagram,” saad sa court filing. “Spacey had told him, if you come back with me, I will take a picture with you.”

At doon na sinimulan umano ni Kevin na molestiyah­in si William, ayon sa asunto.

“Will tried to shift away with his body and move Spacey’s hands away with his hands but Spacey kept reaching down his pants,” saad sa reklamo. “Will said his girlfriend did not believe him so that’s when he Snapchatte­d the video.”

Pagkatapos, nilisan na ni William ang bar sa payo ng isang babae na nakita umano na “he was in distress”. Bumalik si William sa trabaho kinabukasa­n at ipinaalam sa may-ari ng bar ang nangyari, ayon sa court documents.

Nakasaad din sa asunto na nakuha ng pulisya ang nasabing video footage at ipinakita ito kay William, na kinumpirma­ng siya at si Kevin ang nasa video.

Napilitang mag-lie low sa publiko makaraang maglabasan ang mga akusasyon ng sexual misconduct noong 2017, hindi pa naglalabas ng pahayag si Kevin tungkol sa nasabing akusasyon ni William.

Pero ngayong linggo, nag-post siya ng video ng kanyang sarili habang nagsasalit­a tungkol sa mga alegasyon ng sexual abuse habang nasa character ni Frank Underwood, ang pulitikong ginagampan­an niya sa House of Cards bago siya tanggalin sa show.

Hindi rin kaagad na tumugon ang abogado ni Kevin sa hiling ng AFP na magkomento siya sa isyu.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines