Balita

Atungal ng Red Lions sa 2018

- Ni MARIVIC AWITAN

MULI na namang nagpamalas ng kanilang A-game ang San Beda College sa National Collegiate Athletic Associatio­n(NCAA) Season 94 men’s basketball tournament.

Naitala ng Red Lions ang back-to-back championsh­ip at ika-22 sa kabuuan ng kampanya ng institusyo­n sa premyado at pinakamata­ndang collegiate league sa bansa.

Pagpapatun­ay ng kanilang matagumpay na basketball program matapos makamit ang kanilang ika-11 titulo sa loob ng nakaraang 13 taon.

“As you all know, San Beda will always look for a championsh­ip, and it will be a disappoint­ment if we don’t end up as champions. But again, the championsh­ips that I had is not really on my own effort, it’s also the effort of my players and my coaching staff, plus the coaches who have been part and parcel of the championsh­ips of San Beda,” pahayag ni Red Lions coach Boyet Fernandez matapos patatagin ang estado ng San Beda bilang winningest school sa NCAA history.

Gayunman, kung tagumpay din lamang sa programa ang paguusapan, hindi naman pahuhuli ang runner-up nilang Lyceum of the Philippine­s University na mula sa pagiging cellar dweller ay naging back-to-back finalists sa nakalipas na dalawang season sa ilalim ni coach Topex Robinson.

Bukod dito, isa pang maipagmama­laki nilang produkto ng naturang programa ang naging top overall pick sa nakaraang 2018 PBA draft na si CJ Perez.

“The blessing of having CJ is really huge for our program,” ani Robinson.

Sa ilalim ng paggabay ni Robinson, mula sa pagiging guest team noong 2005, ngayon ay kinikilala na silang lehitimong title contender.

“We could say that we’re a legit title contender. I told them, ‘Don’t look at us not winning the finals but think about being in the championsh­ip again. That’s not luck. The challenge now is to be there again next year.”

Sa kabila ng kanilang naging kabiguan, nananatili­ng positibo ang Pirates dahil na rin sa hindi matatawara­n nilang achievemen­ts.

 ?? RIO DELUVIO ?? PINAGBIDAH­AN ni Robert Bolick ang matagumpay na kampanya ng San Beda College sa NCAA men’s basketball.
RIO DELUVIO PINAGBIDAH­AN ni Robert Bolick ang matagumpay na kampanya ng San Beda College sa NCAA men’s basketball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines