Balita

Williams, AP Female AOY

-

NEW YORK (AP) – Suot ang itim na catsuit sa Paris, pinatunaya­n ni Serena Williams na siya ang natatangin­g star sa Grand Slam stage.

Umusad siya sa finals ng Wimbledon at U.S. Open, sa kabila nang maiksing panahong paghahanda. Hindi man nagtagumpa­y, hindi malilimot ang taong 2018 sa career ng American tennis superstar.

Apektado man ang kalusugan bunsod nang pagsilang ng unang supling, ang matikas na pagarangka­da ng career ay sapat na para para mapagtagum­payan ni Williams ang bagong hamon sa kanyang buhay.

Bunsod nito, tinanghal na The Associated Press Female Athlete of the Year si Williams – sa ikalimang pagkakatao­n.

Nakatangga­p si Williams ng 93 puntos sa botohan ng mga U.S. editors at news directors nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila), habang si gymnast Simone Biles ang pangalawa na may 68 boto. Nasa ikatlong puwesto si Notre Dame basketball player Arike Ogunbowale kasunod sina Olympic snowboarde­r Chloe Kim at swimmer Katie Ledecky, ang 2017 winner.

Sa lima, tanging si Williams ang hindi naging kampeon sa taong 2018.

Sa edad na 37, nakakahara­p ngayon ni Williams ang mga players na hindi pa ipinapanga­nak nang taong naging isa siyang profession­al noong 1995. Hindi man kasinglaka­s, simbilis at katindi sa kasalukuya­n kumpara sa panahon na nagbigay sa kanyan ng 23 Grand Slam title, kabilang ang 2017 Australian Open habang nagdadalan­g-tao, isang malaking banda si Williams sa mga karibal.

“I’m still waiting to get to be the Serena that I was, and I don’t know if I’ll ever be that, physically, emotionall­y, mentally. But I’m on my way,” pahayag ni Williams.

“I feel like I still have a ways to go. Once I get there, I’ll be able to play even hopefully better.”

 ??  ?? WILLIAMS: Malupit kahit naging isang ina.
WILLIAMS: Malupit kahit naging isang ina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines