Balita

WBC rankings, itataya ni Alvarez kay Bravo

- Gilbert Espeña

ITATAYA ni Jobert Alvarez ang kanyang mahalagang world rankings sa 12-rounds na pagsagupa kay Philippine Boxing Federation flyweight champion Michael Bravo bukas sa Father Saturnino Unios University Gym, Butuan City, Surigao del Norte.

Inaasahang magiging pukpukan ang laban ng dalawang boksingero­ng kapwa tubong Mindanao, si Alvarez sa Gen. Santos City, South Cotabato at si Bravo na tubong Kidapawan City, North Cotabato.

Ikalimang laban ito ni Alvarez mula nang ma-upset ni Mexican American Miguel Cartagena noong 2016 via 1stround TKO sa Kissimmee, Florida nang magkampany­a siya sa Estados Unidos.

Bago ito, nanalo siya via 12round unanimous decision kay world rated Mexican Julian Rivera Lopez sa Mexico City para maisuot ang bakanteng WBC Continetal Americas flyweight belt ngunit natalo sa puntos kay WBO at WBA flyweight titlist Juan Jose Estrada sa Hermisillo, Mexico rin.

Nagwagi rin siya kay WBO No. 3 at WBA No. 4 flyweight na Puerto Rican Jonathan Gonzalez via 6th round knockout sa sagupaang ginanap sa Guaynabo, Puerto Rico para maiuwi ang WBO NABO flyweight title bago ang laban kay Cartagena na binawian naman ni dating world flyweight champion Brian Viloria via 5th round KO sa Carson, California noong 2017.

May kartada si Alvarez, nakatalang No. 14 flyweight sa WBC, na 18-2-2 na may 7 panalo sa knockouts kumpara kay Bravo na may rekord na 13 panalo, 2 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines