Balita

TNT Boys, nagbigay ng mini concert sa Children’s Village

- Ni ADOR V. SALUTA

SA ulat ng Rated K last Sunday ay literal na inulan ng blessings ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion simula noong 2017 nang sumali sila sa “Tawag ng Tanghalan Kids” sa It’s Showtime.

Naging finalist ang tatlong bagets singer at binuo ang TNT Boys, sa pamamahala ni Sir Peter Edward Dizon, EP ng It’s Showtime.

Sumikat ang tatlo dahil sa kanilang talent sa pagkanta. Naimbitaha­n ang TNT Boys sa The Ellen DeGeneres Show, sa The Little Big Shot-UK, at sa LBS-USA hosted by Miss Universe resident host Steve Harvey.

Winner din sila sa last edition ng Your Face Sounds Familiar Kids 2018, at hanggang ngayo ay sariwa pa rin ang tagumpay nila sa kanilang sold-out concert sa Big Dome last November.

Kaya naman nitong Pasko ay naisipan nilang gamitin ang kanilang talent para mamahagi ng saya sa mga bata ng Bantay Bata Children’s Village.

“Desisyon po talaga namin na puntahan sila dito sa Bantay Bata kasi po gusto po namin silang kumustahin, bigyan ng alay ng kanta po para maging masaya po ang Christmas nila,” sabi ni Mackie.

Mala mini-concert ang handog nila sa mga bata, na lubos namang nasiyahan. Nakikanta pa ang mga ito sa trio.

“Sobrang saya po na na-meet po namin sila kasi po, ang positive po nila,” kuwento ni Kiefer.

“Gusto namin maging inspirasyo­n para po sa kanila. (Para po) makalimuta­n po nila ‘yung mga naranas nila dati,” ani Francis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines