Balita

Joshua at Julia, ‘di pa rin okay?

- Reggee Bonoan

HINDI masaya ang Christmas episode ng

Ngayon at Kailanman dahil hindi pa rin magkasundo sina Inno (Joshua Garcia) at Eva (Julia Barretto), at pinasasaki­tan nila ang isa’t isa sa pamamagita­n nina Roxanne (Elise

Joson) at Oliver (Jameson Blake).

Halata namang mahal pa rin ni Inno si Eva pero hindi nito matanggap na iniwan siya dahil nangibang-bansa at ngayong bumalik ay inalok na magsanib-puwersa ang mga disenyo nila para sa Saavedra Jewelries.

At dahil sa galit ay pinahihira­pan ni Inno si Eva, at lahat ng designs ng dalaga ay inaayawan ng binata, at basura ang tingin niya, bagay na ikinagalit din ng dalaga dahil malaki na ang ipinagbago ng lalaking mahal niya.

Sa wakas may magandang disenyo na si Eva pero hindi pa rin gusto ni Inno at masyado raw pa-sweet, kaya sinigurado na ng dalaga na maganda kaya ipinilit niya sa binata.

Iniwan na ni Roxanne si Inno para harapin nito kung ano talaga ang nararamdam­an niya para kay Eva at para hindi na siya gamitin pa. Hindi naman iniwan ni Oliver ang dalaga.

Nabuo na rin sa wakas ni Inno ang alahas na idinisenyo ni Eva at napahanga sila pareho dahil ang ganda ng resulta. Samantala, ipinakita pa ring nagngingit­ngit sa galit si Stella (Alice Dixson) habang umiinom ng wine, bilang special treatment niya sa kulungan. Anyway, patuloy na abangan ang ilang linggong natititira­ng episodes ng Ngayon at Kailanman pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyan­o, sa ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines