Balita

Int’l screening ng ‘Jack Em Popoy’, inaabangan na

- Ni NORA V. CALDERON

SA ganda ng reviews at comments sa social media tungkol sa Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles,

maraming nagtatanon­g sa Team Abroad kung kailan daw nila mapapnood ang internatio­nal screening ng action-dramacomed­y movie nina Vic Sotto, Maine Mendoza at

Coco Martin, at idinirek ni Mike Tuviera.

Totoo naman kasing maganda ang movie, naiibang acting ang ginawa ng mga bida. Like si Maine, puwede na palang mag-action, kahit pa sinabi niyang mas gusto niyang magpatawa. Hindi na ipagtatano­ng ang husay ni Vic sa pagpapataw­a, pero ang husay din niyang mag-drama, base sa napanood sa kanya sa pelikula. At wala naman

magsasabi na hindi mahusay si Coco simula pa nang pasukin niya ang showbiz.

Narito ang schedule ng internatio­nal screenings, na nagsimula na last December 27, sa iba-ibang lugar sa Middle East. December 29 sa JYLLand, Denmark. Sa December 30 sa Vienna, Austria at Kristansan­d, Norway.

Simula naman sa January 3, 2019 ay showing na ang movie sa Brunei; sa January 5, sa Manchester, United Kingdom, sa Stockholm in Sweden, at sa Bonn, Germany.

Mapapanood na rin ang Jack Em Popoy sa January 6, sa Torino, Italy; at sa Malta at Oslo, Norway. Sa January 11 sa US at Canada. Sa January 13 sa Milan, Rome, at Florence sa Italy, at sa Taiwan. Starting January 17, sa Papua, New Guinea naman ito mapapanood, at January 18 sa Guam.

Sa January 19 & 20, showing na ang pelikula sa United Kingdom, London & Surrey, at sa Bologna, Italy at Madrid, Spain sa January 20.

 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines