Balita

Fans ni Kyline, may reklamo sa GMA

- Nitz Miralles

IISA ang request sa GMA-7 ng fans ni Kyline Alcantara:

Ilipat na sana ng network sa panggabing timeslot ang bagong teleserye ni Kyline na Inagaw Na Bituin. Nabasa kasi ng fans sa poster ng soap ang “Afternoon Prime”, na ang ibig sabihin ay sa hapon ipalalabas ang serye at hindi pang-primetime.

Reklamo ng fans ni Kyline, lalo na ‘yung mga nag-aaral o may trabaho, hindi nila mapapanood ang

Inagaw Na Bituin kung sa hapon ito ipalalabas.

Kaya lang, hindi na magbabago ang isip ng network dahil naka-schedule na sa early part ng January 2019 ang pilot ng soap.

May rasong magreklamo ang fans ni Kyline, dahil ibang-iba sa Kambal Karibal ang story ng

Inagaw Na Bituin. Bida at hindi kontrabida rito si Kyline, dahil ang kontrabida niya ay si Therese

Malvar, na tulad niya ring mahusay na Kapuso

talent.

Isa pang panghihina­yangan ng fans ni Kyline na

hindi nila masusubayb­ayan ang Inagaw Na Bituin ay kakanta sina Kyline at Therese sa serye, dahil parehong singers ang role nila. In fact, silang dalawa rin ang kakanta sa isa sa theme songs ng soap.

Nag-recording na sina Kyline at Therese at naikuwento ni Therese na kinabahan siya dahil first time niyang mag-recording at kakanta sa teleserye.

“Salamat kay Kyline dahil inalalayan niya ako. Sa aming dalawa, siya ang singer, “sabi ni Therese Makakasama nina Kyline at Therese sa Inagaw

Na Bituin sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin, Michael

Flores, Jackielou Blanco at marami pang iba.

Nakita namin sa picture si Ricky Davao, pero hindi kami sure kung kasama siya sa cast o second unit director siya ni Direk Mark Reyes . Ibig sabihin nito, puwede silang magkasama sa trabaho ng asawang si Jackielou.

 ??  ?? Kyline at Therese
Kyline at Therese

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines