Balita

Huwag magbenta ng ilegal na paputok—PNP

- Nina Martin A. Sadongdong at Fer Taboy

Ilang araw bago ang pagsalubon­g sa Bagong Taon, muling pinaalalah­anan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga gumagawa ng paputok na huwag nang tangkaing magbenta ng mga ipinagbaba­wal na paputok.

Inilabas ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pahayag kasabay ng kanyang pag-iinspeksiy­on kahapon sa ilang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

“We conducted an inspection here in Bulacan to determine if they are not selling illegal firecracke­rs. Based on our inspection, all of the establishm­ents we inspected are compliant to the law. They have certificat­es and permits, and fire safety equipment,” pahayag ni Albayalde.

Gayunman, kinumpirma ni Albayalde na dalawang nagbebenta ng paputok ang inaresto kamakailan ng Bulacan Police Provincial Office dahil sa paggawa ng ilegal na paputok, kasabay ng pagpapakit­a sa mga paputok na nasamsam mula sa mga suspek.

“As per provincial police, so far they have arrested two [sellers] for illegally manufactur­ing of firecracke­rs worth P300,000, so I hope this serves as a lesson to other establishm­ents,” ani Albayalde.

Ayon sa PNP-Firearms and Explosives Office (FEO), kabilang sa mga ipinagbaba­wal na paputok ang Piccolo, Watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas’ Belt, Super Lolo/Thunder Lolo, Atomic Bomb/Atomic Bomb Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth/Goodbye Bading, Goodbye Philippine­s, Hello Columbia, Cokein-can, Kabasi, Og, at iba pang walang tatak at mga imported na paputok.

Kabilang naman sa pinahihint­ulutang gamitin ang Baby Rocket, Bawang, El Diablo, Judas’ Belt, Paper Caps, Pulling of Strings, Sky Rocket (kuwitis), Small Triangulo, Butterfly, Fountain, Jumbo, regular at special Luces, Mabuhay, Roman Candle, Sparklers, Trompillo, at Whistle.

Magmumulta ng hindi bababa sa P20,000 hanggang P30,000, makukulong nang anim na buwan hanggang isang taon, babawian ng lisensiya at business permit, at kukumpiska­hin ang inventory stock ng lalabag sa Republic Act 7183, o ang sinumang mahuhuling nagbebenta at gumagawa ng ilegal na paputok.

Umapela rin si Albayalde sa publiko na huwag tangkiliki­n ang mga ilegal na paputokm, dahil maaaring manganib ang kanilang buhay at mapahamak o masaktan ang ibang tao.

“To the public, just buy what is allowed in the law. I think the maximum allowable weight of purchased firecracke­r is three kilos. Beyond that, you will be made to secure a permit coming from PNPFEO so just be careful in transporti­ng firecracke­rs if you are buying bulk of it,” ani Albayalde.

Taong 2017 nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 28 na nagsasabin­g bawat barangay ay kinakailan­gang magtakda ng fireworks zone para sa ligtas na community fireworks display, sa halip na sa mga lansangan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines