Balita

7 hinatulan ng habambuhay sa kidnap-slay

- Rizaldy Comanda

Makalipas ang 14 na taon, nakamit na ng pamilya ng dinukot at pinaslang na Filipino-Chinese businessma­n ang hustisya nang hatulan kahapon ng korte ng habambuhay na pagkakabil­anggo ang pitong akusado sa kaso.

Napatunaya­n ni Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 60 Judge Maria Ligaya Itliong Rivera na nagkasala sa kidnapping for ransom with homicide sina Paul Sumbad, Reymond Dulaycan, Gastrol Sarol, Jason Ling-lingan, Roger Agtulao, Cromwell Filog, at Danny Palapag.

Sa 29-pahinang desisyon ng hukuman, na may petsang Disyembre 21 ngunit kahapon lang isinapubli­ko, pinagbabay­ad din ang pito ng P800,680 bilang actual damages, P70,000 bilang civil indemnity, at P200,000 bilang moral damages.

Ang pito ang dumukot at pumatay kay Senly Loy sa Dizon Subdivisio­n, Baguio City, noong gabi ng Marso 18, 2004.

Matapos ang halos dalawang buwan, natagpuan ng mga tauhan ng National Anti-Kidnapping Task Force ang bangkay ni Loy—na tinabunan ng mga bato at sunog na gulong ng sasakyan, sa Barangay Abiang sa Atok, Benguet.

Batay sa record ng kaso, humihingi ng P10 milyon ang mga kidnapper sa pamilya ni Loy hanggang sa magkatawar­an sa P500,000 ransom, na kaagad na ibinigay sa mga suspek, ngunit pinatay pa rin nila ang biktima.

Naaresto ang pito makaraang ituro sila ng dalawang testigo, na umamin na kasama sila sa mga dumukot kay Loy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines