Balita

Pagkain ng baboy, piyesta papayagan sa BARMM

- Ali G. Macabalang

Hindi pagbabawal­an ng R.A. 11054, na naglalayon­g lumikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang pagkain ng baboy at pagdaos ng piyesta ng mga santo ng mga Kristiyano na piniling magpasakop sa bagong rehiyon, tiniyak ng mga opisyal na nangangamp­anya para sa botong “yes” sa gaganaping plebisito.

“It’s not true that the Christians’ practices such as fiesta and eating pork will be prohibited,” sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Sabbihi Hataman sa rally kamakailan sa Isabela City ng Basilan, ang kanyang home-province.

Idinagdag ni Hataman na: “ARMM has been there for many years and fiestas have not been prohibited. You go to Wao, Lanao del Sur, and Lamitan City, Basilan where fiestas and faiths are equally respected.”

Papalitan ng BARMM ang 29-taong ARMM sa oras na maratipika­hana ang R.A. 11054, o Bangsamoro Organic Law (BOL), sa plebisito sa Enero 21, 2019 sa Maguindana­o, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi gayundin sa mga lungsod ng Marawi at Lamitan (lahat ay sakop ng ARMM), at mga lungsod ng Cotabato at Isabela, anim na bayan sa Lanao del Norte at 39 na barangay sa anim na bayan sa North Cotabato.

Ipinahayag ng Commission on Elections ang isa pang plebisito sa Pebrero 6 para naman sa 92 local government units, barangays sa mga lungsod ng Zamboanga at Iligan, Zamboanga Sibugay at iba pang lugar sa Lanao Norte at North Cotabato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines