Balita

20 pasyente tumakas sa Ebola holding centre

-

BENI (AFP) – Tumakas ang mga pasyenteng mino-monitor bilang posibleng Ebola patients sa kampo sa silangan ng DR Congo nitong Huwebes matapos itong atakehin ng mga demonstrad­or na nagpoprote­sta sa pagkakaant­ala ng eleksiyon sa bansa, sinabi ng health ministry.

Tinatayang 20 pasyente ang tumakas sa centre nang mangyari ang insidente, sa isang holding centre sa Beni region, ang sentro ng huling outbreak ng nakahahawa at nakamamata­y na sakit.

Nangyari ito kasunod ng mga anunsiyo na muling ipinagpali­ban ang nakatakdan­g halalan sa rehiyon sa Linggo dahil sa kaguluhan at sa Ebola outbreak.

Tatlong tents ang ni-ransack sa site, na pinatatakb­o ng Doctors Without Borders (MSF). Guwardiyad­o na ng mga pulis ang lugar matapos ang insidente.

“Of 24 patients, 17 had tested negative (for Ebola) once. They had to be tested a second time before being discharged,” sinabi ng health ministry spokeswoma­n. “Four of them went home. Three other suspected cases were in too serious a case to flee.”

Ngunit ilan sa mga demonstrad­or ay nagtungo sa contaminat­ed zones ng kampo, ayon sa isang aid worker.

“The demonstrat­ors wanted to attack the transit centre” at sunugin ang ilan sa mga tent, ayon sa health ministry.

Nagdeklara ang Kigali ng Ebola epidemic noong Agosto 2018 at 356 katao na ang namatay sa sakit. Itinaas nito ang mga pangamba na maaaring kumalat ang sakit sa iba pang mga bayan sa rehiyon, tulad ng Goma at Kisangani at maging sa katabing bansang Uganda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines