Balita

Defense treaty sa US, kailangan pa ba?

- Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Rerepasuhi­n ng Department of Defense (DND) ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States, kung kailangan pa ba ito sa kasalukuya­ng panahon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na panahon na para muling pag-aralan ang MDT at ang mga probisyon nito na nabuo noong 1951.

“That was done in 1951. And when that was done in 1951 there was this raging Cold War. Do we still have a Cold War today? Is it still relevant to our security. Baka hindi na,” aniya kahapon.

“Hindi naman sinasabing strengthen natin para tulungan tayo pag may gulo. Sino ba’ng kalaban natin? Are we still hoping somebody will attack us here in the Philippine­s? I don’t think so,” aniya pa.

Ayon kay Lorenzana, inatasan niya ang kanilang mga abogado na simulang pag-aralan ang kasunduan, upang matukoy kung dapat pa bang panatilihi­n ang MDT, patatagin o ibasura na.

Sinabi ni Lorenzana na isa sa factors na kanyang tinitingna­n kung paano nakatutulo­ng ang MDT sa Pilipinas sa nagbabagon­g security structure sa Southeast Asia.

Isa rin sa mga ikinokonsi­dera nila na kailangang rebyuhin ang MDT ay ang posibleng pagkaipit sa gitna ng Pilipinas kapag napasubo sa giyera ang United States sa ibang mga bansa gaya ng China na ngayon ay nagkakaroo­n ng tensyon.

“Attack on one is attack on other. So ma-involve tayo diyan,” aniya.

Makailang ulit nang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kakayahan ang Pilipinas na makipaggiy­era.

Gayunman, aminado si Lorenzana na malaki ang naging pakinabang ng Pilipinas sa United States dahil sa MDT at side agreements nito.

“Nakatulong naman ‘yung US sa atin. Nakakabiga­y naman sila ng yearly grant sa ating military --training, and some things,” aniya.

“But overall, tignan natin. The bottom line is, is it to our interest to have this continue. ‘Yung mga provisions ba ‘yan is still relevant today?” dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines