Balita

Pumugang Koreano, nadakip

- Jun Ramirez at Mina Navarro

Mulingnaar­estongmgao­peratiba ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang pugang Korean, na tumakas mula sa kustodiya ng ahensiya dalawang buwan na ang nakalilipa­s.

Ayon kay Immigratio­n Commission­er Jaime Morente, muling naaresto si Choi Youngseop, 52, sa labas ng emergency room ng Manila Doctor’s Hospital sa Ermita, Maynila kung saan siya nagpa-checkup, nitong Disyembre 19.

Sinabi ni Morente na agad idideport si Choi kasunod ng kanyang summary deportatio­n na inisyu ng BI board of commission­ers dahil sa pagiging ilegal na dayuhan.

“This time we will make sure that he does not escape. He will be sent back to Korea so he can be held liable for crimes he committed in his homeland,” sabi ni Morente.

Napag-alaman na si Choi ay nasa wanted list ng BI simula noong 2014 nang ipaalam ng Interpol sa tanggapan na siya ay kinasuhan ng fraud sa Korean court dahil sa panloloko sa mga biktima ng mahigit $500,000.

Ayon kay BI intelligen­ce officer Edward Mabborang, hindi pumiglas ang puga nang arestuhin ng mga tauhan ng BI.

Aniya, nakipag-ugnayan siya sa Ermita police station nang ipaalam ng informants sa BI na si Choi ay nakatakdan­g isailalim sa medical checkup sa naturang ospital.

Nitong Oktubre 29, tumakas si Choi mula sa kustodiya ng mga jail guards na umalalay sa kanya mula Camp Bagong Diwa, Taguig City para magpa-dental checkup.

Bigo namang makatakas ang kanyang kasama, si Jeon Taeksang, 50, Korean.

Kumakain sila sa isang restaurant nang magtungo sa banyo ang isa sa mga guwardiya at sinamantal­a ng mga Koreano upang atakehin ang isa pang guwardiya at tumakas.

Nahuli si Jeon ngunit nakatakas si Choi sakay sa getaway vehicle na naghihinta­y sa labas.

Kapwa nakakulong ang mga suspek sa Bicutan Detention Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines