Balita

‘Pinoy Big Brother,’ bad influence sa kabataan?

- Ni DINDO M. BALARES

NAGIGING viral ang post sa Facebook page na ‘Yung Feeling Na Matagal tungkol sa Pinoy Big Brother (PBB) na may bago na palang season. Pagkaraan ng walong oras simula nang i-post kahapon, nakakuha na ito ng 283 reactions, 479 comments at nai-share ng 274 na beses. Hindi na namin pinapanood ang mga bagong edition ng PBB pero halatang mas nasusubayb­ayan ng nag-post ang bagong season.

May mga punto ito na dapat pag-ukulan ng pansin ng mga nagpapatak­bo ng show, at baguhin ang focus ng mga storyline o kaya ay sagutin ang concern, kung may hangarin silang maunawaan ng televiewer­s ang programa.

Naririto ang naturang post. “Pabor ba kayo na ipasara/ ipagiba ni Pangulong (Rodrigo)

Duterte ang PBB house kasama na ang buong istasyon ng ABSCBN sa oras na mag-expire na ang lisensya nito?

“Marahil marami sa atin ang fans ng PBB at iba pang mga palabas ng ABS-CBN pero kung ating susuriin makikita natin na NILALASON na nito ang isipan at tuluyan nang BINAGO ang pag-uugali ng mga kabataan at Pilipino.

“Heto ilan sa mga naging masamang epekto ng nasabing network sa society:

1. Puro kalandian ang natututuna­n ng kabataan like ng PBB, Halik at iba pa. Oo, inilalagay nilang rated SPG pero hindi encrypted ang broadcast ninyo, ABS, at kahit saan puwede kayong mapanood ng mga bata ‘pag walang kasamang magulang lalo na ngayon na dapat magtrabaho­ng mabuti dahil sa mahal ng mga bilihin.

2. YOUTH EXPLOITATI­ON. Oo, may permit kayo from DSWD at may consent kayo mula sa mga magulang ng mga menor de edad na inyong tinuturuan­g maglandi sa loob ng Bahay ni Kuya, pero kung titingnan natin SINASAMANT­ALA ninyo ang murang kaisipan ng mga bata sa pamamagita­n ng pangakong sisikat, magiging artista at yayaman para lamang sumali at pumila nang pagkatakot-takot sa inyong kalokohan. And FYI, kung mapapansin n’yo puno ng salamin ang PBB sa likod n’yan ay mga crew na may camera pero karamihan sa kanila lalaking crew and even CR, tama even CR po. Pati ‘yung sa babae may camera. That’s a clear violation of Article 3 Section 3 of Philippine Constituti­on or right to privacy.

3. NATUTUTO MAGSAGOT ng PALTARASON ang mga kabataan. Noong mga panahon ng 90s pababa, takot sumagot ang mga bata dahil wala pa ‘yung batas ni (Sen.) Kiko Pangilinan na nagbabawal mamalo sa mga bata pero ngayon dahil may batas na na nagbabawal nu’n at DUMAGDAG pa ang mga palabas ni Vice Ganda.

Aba’y mas matindi na sumagot at kung minsan sumigaw sa mga nakatatand­a ang mga bata. Minsan isang simpleng tanong ng magulang ay babarahin na agad ng anak dahil natututuna­n nila ang mga matatalim na pambabara at pagsagot mula kay Vice Ganda. #ibalikangd­atingprogr­ama #notopbb.”

Bukas po ang pahinang ito sa panig o paliwanag ng Pinoy

Big Brother production unit ng ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines