Balita

Yulo, may insentibo sa PSC

- Ni ANNIE ABAD

ISA sa hindi malilimuta­ng kaganapan sa Philippine sports sa taong 2018 ang tagumpay ni Carlo “Caloy” Yulo sa World Artistic Gymnastic Championsh­ips sa Aspire Dome sa Doha Qatar.

Sa kasaysayan ng bansa sa sports, ang bronze medal ni Yulo sa men’s floor exercise ang kaunaunaha­n para sa Pinoy sa world stage ng gymnastics na dominante ng European, particular ang Russia.

Sa edad na 18-anyos, hindi pumalya si Yulo na mag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas, at para sa kanyang pamilya.

“Our relentless efforts and determinat­ion to grab a piece of those elusive medals in the world championsh­ips has paid off,” pahayag ni Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Associatio­n of the Philippine­s (GAP).

“What Caloy has become today was never an easy way up. He was a young boy who frequented the gym, and the first time I saw his executions and movements, I particular­ly noticed something so different in this boy,” pahayag ni Carrion.

Isa namang karangalan para kay Yulo na makapagbig­ay ng panalo para sa bansa kung saan ay mas pinag-iigting pa niya ang kanyang bawat ensayo upang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang paglayo sa pamilya pansamanta­la upang ituloy ang training at pag-aaral sa Japan.

“Masaya po ako dahil nakapagbig­ay po ako ng karangalan sa bansa. And natutuwa po ako dahil alam ko po na buo ang suporta ang mga sports officials natin at lalo na po ng pamilya ko,” ani Yulo.

Bilang pagkilala sa naging tagumpay ni Yulo, ipinagkalo­ob kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halagang P250,000 na insentibo sa pamamagita­n ni commission­er Celia Kiram.

Bagama’t hindi kabilang sa RA 10699 ang nasabing insentibo, kahit na ito ay World Championsh­ip event, minabuti pa rin ng ahensiya na pagkalooba­n si Yulo ng nasabing insentibo bilang pagkilala sa kanyang natatangin­g tagumpay.

“What we have achieved at this point is equally credited to the full training support of MVP Sports Foundation and of the Philippine Sports Commission headed by Butch Ramirez. Caloy’s being a part of the Solidairty program of the Philippine Olympic Committee (POC) has helped him as well. This is not to undermine the great efforts and winning tecniques that his coah Munehiro and therapist Jumpei Konno contribute­d to readying him for the world stage,” pahayag ni Carrion.

Kasalukuya­ng sinusuport­ahan ng PSC ang training ni Yulo sa Japan sa pamamgitan ng pagbabayad ng serbisyo ng kanyang Japanese coach.

Pansamanta­lang umuwi ng bansa si Yulo upang makasama ang pamilya sa holiday season at babalik sa Japan upang ituloy ang training para naman sa Southeast Asian Games ngayong papasok na 2019.

Pitong medalya ang ipinangako ni Carrion na makukuha ng gymnastics sa SEA Games para kay Yulo, habang target naman nila ang ginto sa 2020 Tokyo Olympics.

“Sisikapin po na kayanin na kmaka gold. Sa ngayon po ang level of training ko na kasi 50% ang mga kalaban po nasa 90% na sila, Pipilitin po natin na habulin yung level nila para makasabay po,” ayon kay Yulo.

 ??  ?? (Kaliwa) Gumawa ng kasaysayan sa bansa sa mundo ng gymnastics.
(Kaliwa) Gumawa ng kasaysayan sa bansa sa mundo ng gymnastics.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines