Balita

Rebyu ng ‘Aurora’, Mary, Marry Me’, at ‘One Great Love’

REBYU PA NI OGIE DIAZ

- Ni DINDO M. BALARES

ang mukha niya sa ilalim ng dagat. Walang intensiyon ang Aurora na gayahin ang makasaysay­ang Titanic, pero, at least, they have tried another version.

At dahil mahal ko sina Anne at Marco at ibinigay naman ng production staff at mga artista ang kanilang best, sa 10 hearts, ang ibibigay ko sa Aurora ay ANIM. Alin ba ang mas matimbang? Ang puso o ang kapatid?

Ang tanong na ‘yan ay sinagot nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kanilang pag-ibig kay Sam Milby sa Mary, Marry Me.

Kung ibang artista ang isa kina Toni at Alex, baka mas maramdaman namin ang tensiyon at sorpresa bilang manonood. Kasi nangingiba­baw sa akin ang fact na magkapatid naman talaga sila sa tunay na buhay, kaya parang hindi na challengin­g sa kanila ang kanilang role.

Pero in fairness, ibinigay naman nina Toni at Alex ang kanilang best, kaya keri na rin. Maganda naman ang story, in fairness. At hindi nakakainip ang pelikula, kaya ang ibibigay ko out of 10 ay SEVEN HEARTS. Napanood ko na rin ang One Great Love nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera. Maganda ang shots ni Direk Enrico Quizon, dahil ang dami ng location, ‘di tinipid. Nalaro niya lahat.

Mahusay dito si Kim Chiu although nakita ko na rin ang ganu’ng akting niya sa mga teleserye niya. At in fairness, ramdam ko naman siya. Mahusay si Dennis dito pero para sa akin (opinyon ko lang naman), mas mahusay si Eddie Garcia sa Rainbow’s Sunset o si Jericho Rosales sa The Girl In The Orange Dress. But I respect the jurors’ decision na si Dennis ang tinanghal nilang Best Actor. Sana, napakapal pa ang kuwento para ‘di ito ‘yung tipikal na istoryang napapanood nating madalas sa mga teleserye ng pag-ibig. But in fairness, naintindih­an ko naman ang kuwento at naawa rin naman ako kina Kim at Dennis na biktima lang naman ng pag-ibig.

Anyway, dahil mahal ko si Kim, mahal ko si Direk Kaizz, mahal ko si Manay Gina Marissa Tagasa, mahal ko ang producers na sina Lily Monteverde at Roselle Monteverde, bibigyan ko ang One Great Love ng SEVEN HEARTS.

May post din si Ogie tungkol sa mas mababang box office takes ng mga pelikula ngayon kumpara noong nakaraang taon. Magaganda ang analysis at suggestion­s, tatalakayi­n din namin ito sa mga susunod na isyu. Sa kabila ng maraming problemang sinagupa natin hindi lang sa industriya kundi maging sa personal at lipunan -- at bumagyo pa, harapin nating may taimtim na panalangin at pag-asa ang papasok na taon. Happy New Year!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines