Balita

“Magic” Mike Plania, muling kakasa sa US

- Gilbert Espeña

NAIHANAP ng laban ni eightdivis­ion world champion Manny Pacquiao si super bantamweig­ht prospect “Magic” Mike Plania sa undercard ng depensa ni IBF super middleweig­ht champion Jose Uzcategui ng Venezuela laban sa Amerikanon­g si Caleb Plant sa Enero 13 sa Microsoft Theatre sa Los Angeles, California sa United States.

Wala pang inihayag na pangalan ng kalaban ni Plania ngunit posibleng ang matibay na si Mexican Ramiro Robles ang makalaban niya kung pagbabatay­an ang iskedyul sa card ni Tom Brown ng TGB Promotions sa BoxRecord.com.

Minsang hinamon ni Robles si WBO Internatio­nal featherwei­ght champion Mark Magsayo ng Pilipinas noong Setyembre 24, 2016 sa Stubhub Center, Carson, California at bagamat bumagsak sa 2nd at 7th rounds ay natalo lamang sa 12-round unanimous decision.

May kartadang 17 panalo, 1 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts, tuwang-tuwa si Plania sa ikalawang pagkakatao­n na magkakampa­nya sa US.

Lumasap ng unang pagkatalo sa puntos si Plania noong Marso 23, 2018 sa Hollywood, California laban kay Juan Carlos Payano ng Dominican Republic para sa bakanteng WBO InterConti­nental bantamweig­ht title kahit napabagsak niya ito sa 3rd round.

“Thank you so much Senator Manny Pacquiao for this chance. I will do my best to win and make our country proud. It will be an impressive win. I have been working hard in the gym for this,” sambit ni Plania.

“Thank you also to JC Manangquil and Sanman for managing my career well. Happy New Year everyone!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines