Balita

NAPUTUKAN, NABAWASAN

Biktima ng paputok 139 lang, bumaba ng 68%

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat ni Bella Gamotea

Ipinagmala­ki ng Department of Health (DoH) na bumaba ng 68 porsiyento ang bilang ng mga naitala nilang firecracke­r-related injuries (FWRI) sa pagsalubon­g ng bansa sa 2019.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na 139 kaso ng FWRI ang naitala ng kagawaran simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21, 2018, hanggang 5:59 ng umaga ng Enero 1, 2019, na mas mababa kumpara sa 428 naitala noong nakaraang taon.

Ayon kay Duque, “historic” ang naturang record dahil ito ang pinakamala­king pagbaba sa FWRI cases na naitala ng kagawaran.

“This is the historic, biggest reduction in the fireworks-related injuries. Remember there were also times in the past na umuulan din pero mataas din ‘yung injuries,” sabi ni Duque.

Wala rin umanong naitalang stray bullet incident ang DoH ngayong taon.

Nabatid na sa kabuuang bilang ng mga kaso, dalawa ang insidente ng fireworks ingestion habang 102 kaso naman ang nasugatan at nalapnos, lima ang kinailanga­ng putulan ng parte ng katawan, at 36 na kaso naman ang eye injuries.

Pinakamara­ming nabiktima ng paputok sa National Capital Region (53 kaso), Western Visayas (26), Central Visayas (13), Central Luzon (10) at Calabarzon (10).

Ang mga paputok naman na naging sanhi ng FWRI cases ay kuwitis (30 kaso), boga (16), piccolo (15), lusis (8), five star (7) at triangle (7).

Sinabi ni Duque na ang pagbaba ng bilang ng FWRI cases ay bunsod ng inilabas na Executive Order (EO) 28, ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimit­a sa paggamit ng paputok sa community fireworks displays.

Aminado naman si Duque na posibleng madagdagan pa ang nasabing kaso dahil may mga hindi pa naire-report sa main office ng DoH.

Samantala, inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sa kabuuan ay payapa ang naging pagdiriwan­g at pagsalubon­g sa Bagong Taon sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines