Balita

Basura balikKorea sa Enero 9

- Chito A. Chavez

Ibibiyahe na ang 6,500 toneladang basura na stranded ngayon sa Misamis Oriental pabalik sa pinagmulan nito sa Pyeongtaek City, South Korea sa target nitong petsa na Enero 9.

Sinabi ng mga kinatawan ng Bureau of Customs (BoC) at ng environmen­tal group EcoWaste Coalition na nagkasundo na ang mga gobyerno ng Pilipinas at South Korea sa pagpapabal­ik ng 51 containers ng basurang ilegal na dinala sa bansa.

Sinabi ni John Simon, Port Collector sa Mindanao Internatio­nal Container Terminal (MICT) na inaasahan nila na ibibiyahe pabalik ang 51 containers na puno ng basura na nakaimbak sa MICT sa Enero 9 basta nakumpleto ang lahat ng regulatory requiremen­ts.

“Their expedited re-export is what BOC wants and this is what our people are yearning for,” ani Simon.

Sinabi ni Aileen Lucero, national coordinato­r ng EcoWaste Coalition na inaabangan ng grupo ang “imminent return of the Korean mixed garbage shipments to their source’’.

Mariin din niyang isinulong ang pagpapatib­ay ng mahihigpit na polisiya para maiwasang maulit ang insidente, gayundin ang pagtugis sa importasyo­n ng plastic wastes.

Kaugnay naman sa bulto ng Korean garbage shipments na nakaimbak sa Verde Soko compound sa loob ng Phividec Industrial Estate sa Barangay Sta. Cruz sa Tagoloan, ipinahayag ni Simon na inaayos na ang arrangemen­ts para maipabalik ang mga ito sa ngayong buwan din.

Magugunit na isang barko ng 5,176.91 metriko tonelada ng misdeclare­d “plastic synthetic flakes” na inangkat ng Green Soko Co. Ltd. at naka-consign sa Verde Soko Philippine­s Industrial Corp. ang dumating sa MICT noong Hulyo 2018 nang walang import clearance mula sa Department of Environmen­t and Natural Resources.

Ang parehong consignee rin ang umayos sa importasyo­n ng karagdagan­g 51 containers ng “plastic synthetic flakes,” na dumating sa MICT noong Oktubre 2018.

Natuklasan sa inspeksiyo­n ng mga opisyal ng Bureau of Customs at DENR ang imported “plastic synthetic flakes” ay “mis-declared, heterogeno­us and injurious to public health,” na ikinagalit kapwa ng Pilipinas at South Korea, kabilang ang protest actions ng EcoWaste Coalition sa labas ng embassy ng SoKor sa Taguig City noong Nobyembre 15 at Disyembre 13, 2018.

Nagpasa naman ang Tagoloan Municipal Council ng resolusyon na mariing kinokonden­a ang “importatio­n of plastic mixed with hazardous waste materials from South Korea”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines