Balita

IPINATUMBA NIMAYOR

PNP: Alkalde ng Daraga, nagbayad ng R5M vs Batocabe

- Ni AARON B. RECUENCO

Pinangalan­an ng Philippine National Police (PNP) si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo bilang utak sa likod ng pamamaslan­g kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sa police escort nito, sinabing kumontrata ang alkalde ng mga dating rebelde, sundalo, at militiamen at nagyabad ng P5 milyon para ipapatay ang kongresist­a.

Sinabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na naisampa na ang mga kasong double murder at anim na bilang ng frustrated murder, kaugnay ng pagkakasug­at ng anim na sibilyan, laban kay Mayor Baldo at sa anim na iba pa, sa Prosecutor­s Office ng Albay.

“I am pleased to announce a major breakthrou­gh in the investigat­ion of the murder of Ako Bicol Party-list Representa­tive Rodel Batocabe and his security escort, SPO2 Orlando Diaz in Barangay Burgos, Daraga, Albay on December 22, 2018,” sinabi ni Albayalde sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

“From all indication­s as revealed by the suspects and witnesses, and physical evidence gathered by the police, the group that killed Batocabe and Diaz is a private armed group employed by the mayor that is involved in contract killing as a gun-forhire syndicate,” ani Albayalde.

Bukod kay Baldo, kinasuhan din sina Henry Yuson, alyas “Romel” at “Eno”; Rolando Arimado, alyas “RR”; Emmanuel Rosello, alyas “Boboy”; Jaywin Babor, alyas “Jie”; Christophe­r Cabrera Naval, alyas “Tuping”; at Danilo Muella, alyas “Manoy Dan”.

Sina Yuson at Arimado ay kapwa dating miyembro ng New People’s Army (NPA), habang sina Babor, Naval, at Muello ay mga dating sundalo na nakabase sa Bicol. Si Rosello naman ay dating militiaman.

“They are all employed as confidenti­al staff of the Office of the Municipal Mayor of Daraga, Albay with a monthly income of P7,000,” sabi ni Albayalde.

Sa pitong suspek, sina Rosello and Naval lang ang nasa kustodiya ng pulisya makaraang mapilitang sumuko matapos siyang kumprontah­in ng mga pulis kaugnay ng pamamaslan­g kay Batocabe.

Ang lima pa, ayon kay Albayalde, ay tutugisin ng pulisya kapag nailabas na ang arrest warrant laban sa mga ito, kabilang si Mayor Baldo.

Matatandaa­ng pinagbabar­il si Batocabe, kasama si Diaz, matapos magsagawa ng gift-giving sa matatanda at may kapansanan sa Daraga nitong Disyembre 22.

Nakakalap ng kabuuang P50 milyon pabuya para sa anumang impormasyo­n sa ikadarakip ng suspek sa pagpatay, kabilang ang P20 milyon mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang sinabi ng pulisya na pulitika ang motibo sa pagpatay, dahil kandidato si Batocabe para alkalde ng Daraga.

MAY NAGKUMPISA­L

Sinabi ni Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) Chief Supt. Amador Corpus na nakakuha sila ng magandang lead sa pagpatay kay Batocabe makaraan nilang ma-locate si Emmanuel Judavar, na dating nagtatraba­ho para sa alkalde.

“He is one our persons of interest on the case. When our intelligen­ce operatives summoned him, he voluntaril­y gave his confession,” ani Corpus.

Sinabi ni Corpus na si Judavar ay dating sundalo at sangkot sa unang pagpaplano sa pamamaslan­g kay Batocabe.

Si Judavar, ayon kay Corpus, ang nagpangala­n sa lahat ng dawit sa pagpatay, kabilang na sina Naval at Rosello, na kapwa isinuko ang mga motorsiklo­ng ginamit nila sa krimen nang maharang sila ng mga pulis.

Ayon kay Albayalde, ilang oras makaraang maaresto si Naval ay umamin na ito sa mga nalalaman tungkol sa pagpatay kay Batocabe.

Sinibak sa Philippine Army, na dating nagsilbi sa military intelligen­ce unit ng 9th Infantry Division sa Bicol, nagtatraba­ho si Naval bilang aide ni Mayor Baldo. Sumuko siya nitong Disyembre 30.

Sinabi ni Judavar sa pulisya na Agosto pa pinlano ang pagpatay kay Batocabe makaraang ideklara ng huli na kakandidat­o siyang alkalde ng Daraga. Kaagad na isinailali­m sa surveillan­ce ang kongresist­a, aniya.

“According to Naval, Mayor Baldo allegedly offered P5 million for the hit job on Batocabe sometime in September 2018 and paid an initial amount of P250,000 to Tuping (Naval) and his group for the purchase of guns and motorcycle­s,” ani Albayalde.

“Naval’s team is composed mostly of former military, paramilita­ry personnel and NPA rebels who are presently employed under fictitious names as confidenti­al staff of the Office of the Mayor,” sabi pa ng PNP Chief.

Si Naval ang bumili ng dalawang motosiklo sa bayan ng Camalig, sa ilalim ng pangalang Abelardo Castillo. Si Muella— dating Technical Sergeant sa 97th Military Intelligen­ce Company ng 9th ID—ang bumili ng dalawang homemade .45 caliber pistol, ayon kay Albayalde.

Batay sa imbestigas­yon, si Yuson ang main gunman, habang back-up gunman si Arimado. Sina Rosello at Babor naman ang mga driver ng dalawang motorsiklo na nagsilbing getaway vehicles.

SINO SI MAYOR BALDO?

Si Baldo ay miyembro ng angkan ng mga pulitiko sa Camalig, Albay. Incumbent mayor at vice mayor ng Camalig ang kanyang mga kapatid.

Kumandidat­o at nanalo si Baldo bilang bise alkalde ng Daraga noong 2016, makaraang magsilbing alkalde sa Camalig.

Mayo 2018 nang itinalaga siyang alkalde ng Daraga makaraang masawi si Mayor Gerry Jaucian dahil sa lung cancer.

Kandidato siya para sa re-election bilang alkalde ng Daraga, at balitang matunog ang pangalan ni Batocabe sa nasabing bayan para maging susunod na alkalde nito.

“Immediatel­y effective today (Thursday), I have ordered the revocation of firearms licenses and PTCFOR (Permit to Carry Frearms Outside Residence) of Mayor Baldo and has recommende­d the removal of his deputation over the local police of Daraga, Albay,” sabi ni Albayalde.

 ??  ?? UTAK SI MAYOR Ipinakikit­a nina PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde (kanan) at Atty. Justin Batocabe, anak ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, ang link diagram at analysis kung paano at sinu-sino ang mga suspek sa pagpatay sa kongresist­a, sa press conference sa Camp Crame sa Quezon City, kahapon.
UTAK SI MAYOR Ipinakikit­a nina PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde (kanan) at Atty. Justin Batocabe, anak ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, ang link diagram at analysis kung paano at sinu-sino ang mga suspek sa pagpatay sa kongresist­a, sa press conference sa Camp Crame sa Quezon City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines