Balita

Catriona, naglihim sa fans

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

NGAYON ay maaari nang ihayag sa lahat: Hindi kaagad lumipad patungong New York ang newly-crowned Miss Universe na si Catriona Gray noong Disyembre 20 gaya nang unang napabalita, dahil lihim siyang nagpalipas ng holidays sa Pilipinas kasama ang kanyang mga magulang at mahal sa buhay sa loob ng 15 araw.

Naglabasan ang mga litrato ni Catriona nitong Miyerkules ng gabi habang nagtse-check in Sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 2 sa Parañaque City para sa flight PR126 patungong New York City via Vancouver. Siya lang mag-isa ang nagtungo sa airport.

Suot ng FilipinoAu­stralian beauty queen ang jacket na ginawa ni Jorel Espina Bomberong at kasama niyang stylist sina Ton Lao at Justine Aliman sa kanyang flight patungong US.

Kalaunan ay nag-post din si Catriona sa Instagram: “Refreshed from a quiet holiday season with my loved ones, I’ve packed up my home in Manila and now I’m ready to move to my new home in New York City!! I still can’t believe it! @missuniver­se. I have to say I’m most nervous about experienci­ng the chill of NYC in winter but would love to know, what are your recommenda­tions to see, do and eat?!”

Ayon sa mga source, may courtesy call si Catriona kay President Rodrigo Duterte noong Disyembre 20, at pagkatapos noon ay bumalik na siya sa hotel. Mula roon ay may sumundo sa kanyang sasakyan ngunit hindi nalaman ang destinasyo­ng pupuntahan niya.

“She even partied with some of her friends during the holidays. She did not wear any make-up when she made the rounds of the city,” sabi pa ng source.

Matatandaa­ng may lumabas na report na magkakaroo­n si Catriona ng overnight visit sa bansa para dumalo sa mga charity events sa Disyembre 19. Dumating siya sa bansa lulan ng private plane ni dating Gov. Chavit Singson ng Ilocos Sur. Nang sumunod na araw, Disyembre 20, inakala ng lahat na lumipad na patungong New York ang beauty queen para gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe.

Ngunit nagtataka ang fans niya kung bakit hindi siya nagpo-post ng kahit anong litrato na lumapag na siya sa New York. Wala silang narinig mula sa beauty mula noon. “She was here all the while.”

Sa kanyang two-week holiday stay sa bansa, hiniling umano ni Catriona sa kanyang mga kaibigan na hindi puwede ang mediamen sa kanilang mga party o appearance­s. Sinabi ng mga source na nais talaga ng dalaga ng privacy nitong nakaraang holiday season.

Nitong Miyekules, Enero 2, inihayag ng tanyag na shoe designer na si Jojo Bragais, na malapit na kaibigan ng beauty queen, na kasama ni Catriona ang kanyang mga magulang at mahal sa buhay nitong nakaraang dalawang linggo.

“Catriona is spending the holidays with her family and loved ones. She deserves a rest after her long preparatio­n to win the title of Miss Universe. She deserves it,” sabi ni Jojo, sa comment section ng Facebook ng tanyag na swimwear designer na si Domz Ramos.

Nang umuwi si Catriona noong Disyembre 19, tinanong siya ni Mario Dumawal, ABS CBN entertainm­ent reporter, kung sa bansa ba niya sasalubung­in ng Pasko at Bagong Taon Christmas at sagot niya kay Dumawal: “Sana”.

Nakatakdan­g simulan ni Catriona, 24, ang kanyang press tour sa New York City sa January 7. Babalik siya sa Manila para sa kanyang victory parade at unang press conference bilang Miss Universe sa Pebrero.

 ??  ??
 ??  ?? Catriona
Catriona

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines