‘Whole-of-Nation’ approach kontra komunista, ipatutupad
Inaasam ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr., ang pagpapatupad sa Executive Order No. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict in 2019.
Sa isang panayam, idiniin ni Madrigal na kailangang magkaisa ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan – pambansa at lokal – para lubusang mapuksa ang ugat ng sigalot at karahasan.
“We have made significant progress and have headways in our campaign to end insurgency, but to reach what we can call a complete victory, we need to create communities that are conflict- resilient and we need local and national government agencies to attain this,” ani Madrigal.
Noong 2018, ipinakita ng pinagsamang datos mula sa ground units ng AFP na kabuuang 12,017 miyembro at tagasuporta ng CPPNPA ang nagapi.
Kabilang sa bilang na ito ang 130 namatay at 264 na naaresto sa mga lehitimong security at law enforcement operations.
Kabuuang 11,623 ang sumuko, kabilang ang 1,227 regular NPA fighters. Nakumpiska rin ng AFP units ang 1,920 iba’t ibang armas at nakubkob ang 316 na kampo ng mgakalaban.
Idinagdag ni Madrigal na nagpapatuloy ang serye ng mga pagpupulong at pagpaplano para maipatupad ang E.O. No. 70 at makalikha ng National Peace Framework na nakaangkla sa Wholeof-Nation approach bilang isang pambansang polisiya.
“Aside from focusing on our enemies, we also have to look at our people and communities through a people-centered strategy to make our communities resilient from communist recruitment, propaganda, and exploitation,” ani Madrigal.