Balita

Kalibo Atiatihan 2019

- Johnny Dayang

NAPANATILI ng Ati-atihan Festival ng Kalibo, Aklan, na idinaraos tuwing Enero taun-taon, ang relihiyoso­ng dedikasyon at makulay na kultura nito.

Ayon kay Ati-Atihan Festival director Albert Menez ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI), magiging pinakamahu­say ang kanilang pagdiriwan­g ngayong taon. Binigyang diin niya na ang Ati-Atihan, bilang testimonya ng kanilang kultura at pananampal­ataya sa Señor Sto. Niño de Kalibo, ay naiiba sa ibang mga kapistahan sa bansa.

Ayon naman kay KASAFI informatio­n director Boy Ryan Zabal, tiyak na masisiyaha­n ang mga panauhin nila sa “masiglang sayawan sa kalye, masasarap na pagkaing Aklanon, murang mga bilihin, musika at masiglang paghiyaw ng Hala Bira, Pwera Pasma bilang pagsamba kay Señor Sto. Niño de Kalibo mula Enero 2 hanggang Enero 20.”

Tiniyak ni Menez na marami silang inihandang mga kaganapan na aakit sa mga deboto at libulibong mga banyagang turista na makikisaya, tulad ng Hala Bira Ati-Atihan Nights (Enero 14-20) at Hydro Kalibo X Electric Fusion 4 (Enero 18-19) na magtatampo­k ng mga bandang Pinoy, mga tanyag na DJ at iba pa.

Hindi umano malilimuta­n ng mga panauhin ang kahangahan­gang mga ‘bargains’ sa AtiAtihan Bazaar, masasarap na pagkain sa ‘Kaean-an sa Plasa’ (Enero 14-20), ‘Mutya it Kalibo Ati-Atihan’ pageant (Enero 11), ‘exhibit’ ng mga klasiko at modernong kotse at motorsiklo sa Traffic Jam and Bikers Rally (Enero 12-13), ‘SangKalibo­ng Tamboe’ at parade ng mga karosa ng Ati-Atihan.

Magiging sentro ng kasiyahan ang mga ‘rock bands’ sa Pastrana Park sa Enero 14 sa gaganaping ‘Radyo Todo Aklan Battle of the Bands’. Susundan ito ng ‘Battle of Mini Sounds’ ng Brigada News FM Kalibo sa Enero 15.

Kasama sa mga pangkultur­ang pagtatangh­al ang ‘Sinaot sa Calle’ (Enero 15-16), Ati-Atihan GMA TV Kapuso Night (Enero 6), Sadsad Street Party (Enero 16-17), Aklan Higante Contest, Aklan Balikbayan at PAL Mabuhay Night (Enero 17), at Sadsad AtiAtihan ‘street dancing contest and grand parade’ sa Enero 19 na magtatampo­k ng makukulay na tribong Ati-Atihan.

Kabilang naman sa mga pangrelihi­yong kaganapan ang ‘Opening Liturgical Rites’ (Enero 2); tradisyuna­l na ‘pahilot’ (Enero 2-20); ‘Pagbisita at Paghatid kay Señor Sto. Niño de Kalibo’ (Enero 3-10); ‘Haead Pasasalama­t’ (Enero 14-17), isang ‘penitentia­l procession’ sa madaling araw; pagbasbas sa mga tribu, grupo, banda, at imahe ng Sto. Niño at Ro Hornada (Enero 19), at iba pa.

Karapat-dapat sa papuri ang KASAFI, ang pamahalaan­g lokal ng Kalibo, Mayor William Lachica, at Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Aklan sa pamumno ni Gov. Florencio Miraflores.

Isang mapayapa at masaganang Pilipinas 2019 sa ating lahat!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines