Balita

‘Fantastica’ ka DU30

- Ric Valmonte

“HINDI aalisin ng Pangulo ang kanyang nakagigitl­a at nakaliliba­ng na pananalita na kanyang political signature, na nagpamahal sa kanya pulitikal at sosyal na paniniwala,” wika ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo. Ito ang kanyang reaksyon sa mga bumatikos sa Pangulo sa huli nitong ikinuwento hinggil sa pangmomole­stiya ng Pangulo sa kanilang katulong nang siya ay nasa high school sa Ateneo de Davao. Ayon sa Pangulo, ikinumpisa­l niya sa pari na pumasok siya sa kuwarto ng kanilang katulong

at itinaas niya ang kumot upang hipuin ang kanyang ari. Pero, agad daw siyang lumabas ng kuwarto nang magising ito. Nagtungo siya sa banyo para gawin daw iyong “the usual”. Bumalik siya sa silid ng kanilang maid at hinipong muli, at aniya ay ipinasok ko ang aking daliri sa kanyang ari. Bilang parusa, sinabi raw ng pari sa kanya na magdasal ng limang Our Father at limang Hail Mary, kung hindi, siya ay pupunta sa impiyerno.

Sa totoo lang, mula nang manungkula­n si Pangulong Duterte, wala tayong narinig sa kanya kahit anumang polisiya na makahahang­o sa mamamayan sa kahirapan. Sa tuwing bubuksan niya ang kanyang bibig sa publiko, war on drugs ang lumalabas, pananakot, pangunguty­a sa kanyang mga kritiko at kapag ginanahan, kabastusan naman,

tulad ng huling ikinuwento niya na kanyang ikinumpisa­l sa pari.

Ang mga kursunada niyang takuting papatayin ay ang mga New People’s Army (NPA) at sangkot sa ilegal na droga na tinototoo naman. Kaya, upang lubusang matakot ang nais niyang takutin ay inihahanay niya ang mga ito sa NPA drug personalit­ies kahit walang batayan. Iyong mga militar at pulis na ginagamit niya ay gumagamit din ng iba para sa layuning ito. Isang Mario Ludades, na nagpakilal­ang dating mataas na opisyal at pundador ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), ay nag-akusa sa National Union of Jounalist of the Philippine­s, Students Christian Movement of the Philippine­s at College Editors Guild of the Philippine­s na “legal fronts” ng CPP. Ginawa ang akusasyong ni Ludades, na

ngayon ay spokespers­on ng No to Communist Terrorist Group Coalition, kasunod ng utos ng Pangulo sa mga sundalo na puksain ang CPP-NPA. “Shoot them at sight”, utos niya.

Sa kabilang dako, hindi natin narinig sa Pangulo ang paraan kung paano mahahango ang mamamayan sa kahirapan. Nang may ginawang paraan ang mga ganid para maipit ang supply ng bigas, ang remedyong pinairal ng Pangulo ay importasyo­n. Tulungan ang mga banyagang magsasaka na ang kanilang inaani ang binibili natin. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang ginawa lang ng gobyerno ay kontrolin ito at pasunurin ang mga negosyante at nagbebenta sa itinakda nitong SRP o standard retail price. Inutil na pamamaraan ito. Kinakahig mo lang ang ibabaw ng problema.

Nagtataas na nga ang halaga ng mga pangunahin­g bilihin at serbisyo, iginigiit pa rin ng adminstras­yon ang pagpapaira­l ng mga indirect taxes, tulad ng excise tax, na pumapatong at nagiging bahagi pa ng presyo ng mga ito.

Sa kabila ng lahat, tumaas pa sa 70 porsyento ang approval rating ng Pangulo nitong nakaraang Disyembre. Kung pagmamahal ito ng masa sa kanya dahil sa kanyang political signature na pananalita, itong approval rating na ito ay walang pinag-iba sa kasikatan ng “Fantastica”. Sa kanyang mga nakalaban na mga pelikula sa takilya, nanguna ito at tumabo ng milyun-milyong piso, pero ang humakot ng halos lahat ng parangal lalo na sa katinuan, leksyon at itinuturon­g magandang halimbawa ay ang “Rainbow’s Sunset”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines