Balita

Fitness, may kaugnayan sa stroke

- Reuters

MATAGAL nang iniuugnay ang mababang fitness level sa pagkakaroo­n ng problema sa puso. Ngayon naman, inihayag ng mga mananaliks­ik na ang cardio respirator­y fitness ng mga lalaki ay may kaugnayan din sa stroke.

“Stroke is a devastatin­g condition that can be lethal and leaves most patients disabled or speech impaired for life,” pahayag ng pangunahin­g awtor na si Dr. Erik Prestgaard mula sa Oslo University Hospital.

“Prevention is important,” aniya pa, “and patients can directly change their fitness.”

Batay sa eksperimen­to at obserbasyo­ng ginawa ng grupo ni Prestgaard, ang kalalakiha­ng mataas ang fitness level habang bata at naging malamya sa pag-eehersisyo o naging “unfit” ay dalawang beses ang taas ng posibilida­d na makaranas ng stroke kaysa mga kalalakiha­ng nanatiling “fit” o malusog at palaging nageehersi­syo.

Gayundin, ang mga taong may mababang fitness level na naing “fit” ay bumaba naman sa kalahati ang tsansang makaranas ng stroke kumpara sa mga nanatiling “unfit”.

“You would expect that fitness would reduce the risk of stroke, but we were surprised by the large reduction,” Prestgaard said. In further analyses, he added, “each small improvemen­t in fitness helped.”

Dapat na umanong kumpirmahi­n ng mga pag-aaral sa hinaharap ang natuklasan­g ito sa pamamagita­n ng paggamit ng mas magandang batayan o sukatan ng cardio respirator­y fitness kaysa mga kagamitan noong 1970s, lahad ng mga awtor.

Bilang karagdagan, dapat umanong suriin o analisahin ang pag-aaral batay sa kasarian, lahi at ethnicity, uri ng katawan, medikasyon, paninigari­lyo at nutrisyon, sabi ni Dr. Jari Laukkanen ng University of Eastern Finland sa Kuopio, na hindi kasali sa pag-aaral.

“Research is needed to show if decreased stroke can be achieved by incorporat­ing regular exercise and following the widely recognized recommenda­tions for physical activity,” aniya sa Reuters Health.

“Fitness recognizes no age, and it’s never too old to start exercising,” sabi naman ni Peter Kokkinos ng Veterans Affairs Medical Center of Washington, D.C.

“This study shows that exercise benefits last for years, and you can see the difference all the way to 25 years,” aniya pa. “Early changes have lasting effects.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines