Balita

Handgun, mas nakamamata­y kaysa rifle

-

SA mga naganap na public mass shootings sa Amerika, napatunaya­n na mas marami ang namatay na biktima na nabaril gamit ang handgun kaysa mga ginamitan ng rifle, nakasaad sa bagong pag-aaral sa Journal of the American College of Surgeons.

“With public mass shootings rapidly on the rise, we wanted to know the reasons why people die and if any aspect is preventabl­e,” lahad ni Dr. Babak Sarani, ang pangunahin­g awtor ng pag-aaral, mula sa George Washington University Center for Trauma and Critical Care sa Washington, D.C.

“If we’re going to have conversati­ons around gun violence and public mass shootings, we need to know the facts,” sabi ni Sarani sa Reuters Health. “We started down this road of looking at actual autopsies so there would be no speculatio­n.”

Napag-alaman ng research team na mas malaki ang porsyento ng mga napatay na tao sa mga mass shooting na ginamitan ng handgun, kahit na mas marami ang taong natamaan ng bala sa mga mass shooting na ginamitan ng rifle.

Aabot sa 26 porsyento ng mga nabaril gamit ang handgun ang nagtamo ng mahigit sa isang malalang sugat, kumpara sa dalawang porsyento ng mga taong nabaril ng rifle. Naiugnay din ang handguns sa mga brain at heart injury.

“All of us were shocked. We came to the table with our bias that an assault weapon would be worse,” sabi ni Sarani. “This should inform the medical community about what to expect at trauma centers and lawmakers about reasonable gun laws.”

Ang pagkakaiba sa kaso ng dalawang nakamamata­y na baril ay maaaring dahil sa ilang sanhi, paliwanag ni Sarani.

“We’ve been careful in these studies to not come across as anti-Second Amendment but to better understand what reasonable legislatio­n could be aimed at gun-related violence,” aniya. “How do you know what’s reasonable when you don’t know what the problem is?”

Ang naging limitasyon ng pag-aaral ay dahil hindi naman kayang ipaliwanag ng mga autopsy report ang tunay na naganap sa senaryo ng mass shooting o kung paano binawian ng buhay ang pasyente habang isinusugod sa ospital, lahad ni Dr. Alan Cook, isang surgeon at director ng trauma research sa Dignity Health sa Chandler, Arizona. Wala siyang kaugnayan sa pag-aaral. Una nang pinag-aralan ni Cook ang mga gunshot wound na nauwi sa pagpapaosp­ital sa U.S.

“Firearm violence has become background noise in this country,” ani Cook sa Reuters Health. “We see these tragedies all the time on the news, and we need a motion that will decrease this feature of American culture.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines