Balita

LeTour, sisikad na sa Hunyo 14-18

- Annie Abad

IPINAHAYAG ng Le Tour de Filipinas (LTdF) ang pagpalit ng petsa sa 10th edition ng premyadong karera upang makapagamb­ag sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting at sa rehabilita­syon ng lalawigan ng Bicol na nasalanta nang kalamidad.

Ayon kay UBE Media Inc. President Donna Lina, ang LTdF na orihinal na nakatakda sa February 17-21 ay lalarga tampok ang limang stage para mas matutukan ang pagsasagaw­a ng torneo, gayundin ang pakikiisa sa paghahanda ng SEA Games na nakatakda sa November 30 hanggang Disyembre 11.

Iginiit ni Lina na mas makatutulo­ng ang organisasy­on sa paghahanda kung maiuurong ang karera at mabigyan nang higit na panahon ang Pinoy riders sa kanilang kampanya sa biennial meet na gaganapin sa bansa sa ikaapat na pagkakatao­n mula noong noong 1981, 1991 at 2005.

Sinulatan na ng UBE Media, sa pamamagita­n ng Asian Cycling Confederat­ion at Philcyclin­g na pinamumunu­an nina Rep. Abraham Tolentino at Chairman Bert Lina, ang Internatio­nal Cycling Union (UCI), ang internatio­nal federation na nangangasi­wa sa cycling, para sa bagong petsa na Hunyo 14-18.

“The Le Tour organizati­on wanted to help harness our cyclists to their best possible condition in time for the SEA Games,” pahayag ni Lina. “And because of the recent calamity that struck Camarines Sur, Albay, Sorsogon and the rest of the Bicol Region, it has become more imperative that we postpone the race.”

Isinailali­m sa ‘state of calamity’ ang Albay, Camarines Sur at Sorsogon matapos salantain ng bagyong Usman, na lumikha ng baha at pagkasira sa mga pananim partikular sa bayan ng Sagnay.

“In as much as we are ecstatic to celebrate 10 years of the Le Tour, we are one in prayers that our countrymen in the Bicol Region recover fast and well from the calamity,” pahayag ni Lina.

Sa nakalipas na taon, naiurong din ang petsa ng LTdF sa buwan ng Mayo mula sa dating Pebrero matapos magalburut­o ang Bulkang Mayon noong Enero.

Sa programang inihanda ngayong taon, magsisimul­a ang LTdF sa Tagaytay City, sentro ng kompetisyo­n sa cycling -- road, mountain bike at BMX— at tatahakin ang mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon. Host ang Legaspi City sa huling araw ng karera na nasa Category 2.2 ng UCI Asia Tour race.

Matrabaho para sa Philippine cycling ang buwan ng Hunyo sa nakatakdan­g PhilCyclin­g National Championsh­ips for Road, MTB at ang BMX, gayundin ang isinusulon­g na UCI National Commissair­es’ Course para sa tatlong cycling discipline­s. Gagamitin din ang mga torneo para sa pagpili ng mga mga miyembro ng Philippine Team sa SEA Games.

Liyamado si El Joshua Carino ng Philippine Navy-Standard Insurance para magdepensa ng korona laban sa matitikas na challenger kabilang si 2014 winner Mark John Lexer Galedo ng continenta­l team 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippine­s.

Sasabak din sa karera ang Go For Gold team at National Under23 Team ng PhilCyclin­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines