Balita

NABANGASAN!

Mavs ‘shooting’ nagpatumba sa Hornets; Bulls, natulala sa Magic

-

CHARLOTTE, N.C. (AP) — Maagang naglagabla­b ang outside shooting ng Dallas Mavericks tungo sa dominanten­g 122-84 panalo kontra Charlotte Hornets nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Hataw sina Luka Doncic at Dennis Smith Jr. sa lima sa 10 long distance shot na naisalpak ng Mavericks para sa kabuuang tig-18 puntos at tuldukan ang nine-game losing skid.

Nag-ambag si Harrison Barnes ng 17 puntos.

Umabante ang Mavericks sa 42-26 matapos ang first quarter, at nanatiling mainit ang opensa para iwan ang Charlotte sa double-digits sa kabuuan ng laro. Nahila ng Dallas ang bentahe sa pinakamala­king 20 puntos sa huling quarter.

Kumubra si Dwight Powell ng 15 puntos, tumipa si Wesley Matthews ng 11 puntos at kumana si DeAndre Jordan ng walong puntos at 13 rebounds para sa Mavs.

Nanguna si Kemba Walker sa Charlotte na may 11 puntos.

PISTONS 101, GRIZZLIES 94

Sa Memphis, Tenn., pinabagsak ng Detroit Pistons, sa pangunguna ni Blake Griffin na may 26 puntos, walong rebounds at pitong assists, ang Memphis Grizzlies para tuldukan ang three-game skid.

Nagbaba ang Detroit ng 13-0 run sa final period para tuluyang ilayo ang laban. Anim na Pistons ang umiskor ng double digits, kabilang sina Reggie Jackson na may 16 puntos, Reggie Bullock at Luke Kennard na may tig-13 puntos.

Kumubra si Jaren Jackson Jr. ng 26 puntos at 10 rebounds para sa Memphis, habang nag-ambag sina Kyle Anderson ng 15 puntos at Dillon Brooks na may 14 puntos. MAGIC 112, BULLS 84

Sa Chicago, pinaglarua­n ng Orlando Magic, sa pangunguna nina Nikola Vucevic na may 22 puntos at 12 rebounds at Aaron Gordon na may 18 puntos at career-high nine assists, ang Chicago Bulls.

Humugot din si Terrence Ross ng 15 puntos mula sa bench at kumana si Evan Fournier ng 13 puntos at pitong para sa ikatlong panalo sa huling apat na laro ng Orlando. Naitala ng Magic ang 58 percent sa field.

Nanguna si Zach LaVine sa Bulls na may 16 puntos, habang kumana si Kris Dunn ng 14 puntos para sa ikalawang sunod na kabiguan ng .

NETS 126, PELICANS 121

Sa New York, Naisalba ng Brooklyn Nets ang matikas na laro ni Anthony Davis para maitakas ang panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Hataw si D’Angelo Russell sa naiskor na 22 puntos at 13 assists para sandigan ang Nets sa malaking 73 puntos sa first half tungo sa panalo.

Tumapos si Davis na myy 34 puntos at career-high 26 rebounds mula sa isang larong pahinga, ngunit hindi sapat ang kanyang lakas para maisalba ang Pacers sa kabiguan.

Nag-ambag si Joe Harris ng 21 puntos para sa Nets.

Naisalpak ng Nets ang siyam sa 15 three-pointer sa pinakamala­king kalamangan sa panalo mula nang gapiina ng Golden State sa noong Feb. 19, 2002. May pitong Nets ang kumana ng double digits kabilang sina DeMarre Carroll (19) at Spencer Dinwiddie (18).

Nagasalans­an si Elfrid Payton ng 25 puntos para sa New Orleans, habang kumana si Julius Randle ng 21 puntos at si Jrue Holiday na may 20 puntos.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Washington Wizards, sa pangunguna nina Bradley Beal na may 24 puntos, Jeff Green na may 22 puntos at Thomas Bryant na may 16 puntos at career-high 15 rebounds sa panalo ng Washington Wizards kontra Atlanta Hawks, 114-98; habang nanaig ang Miami Heat kontra Cleveland Cavaliers, 117-92.

 ??  ?? Sumiksik sa ‘screen’ ni Portland center Jusuf Nurkic si Sacramento guard De’Aaron Fox sa pagtatangk­a na madepensah­an si Damian Lillard sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA.
Sumiksik sa ‘screen’ ni Portland center Jusuf Nurkic si Sacramento guard De’Aaron Fox sa pagtatangk­a na madepensah­an si Damian Lillard sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines