Balita

Ligtas bumiyahe sa Mindanao—Palasyo

- Nina GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA

Ligtas pa ring bumisita sa Mindanao. Ito ang tiniyak ng Malacañang sa publiko kasunod ng travel alerts kamakailan na inilabas ng United Kingdom at Australia.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na nauunawaan ng Palasyo ang intensiyon ng mga dayuhang gobyerno na pangalagaa­n ang kanilang mga mamamayan ngunit tiniyak niya ang pambobomba sa Cotabato City ay isang isolated incident.

“It’s natural for any foreign government, or any government for that matter, to be concerned about the welfare, the safety of their citizens and we cannot blame them if they have such views following the bombing in Cotabato but that’s an isolated case,” aniya sa news conference sa Palasyo.

“Insofar as the National Defense Secretary is concerned, it is very safe to travel in Mindanao,” aniya.

Kamakailan ay pinayuhan ng Australia ang kanyang mamamayan laban sa pagbiyahe sa katimugan ng Mindanao dahil sa mga banta ng terorismo at kidnapping.

Naglabas din ang United Kingdom ng parehong travel warning laban sa Mindanao, binanggit ang posibilida­d ng pag-atake ng mga terorista sa Pilipinas.

Inilabas ng dalawang bansa ang travel warnings kasunod ng pagpasabog sa isang mall sa Cotabato City nitong Disyembree 31 na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng ilan dosenang iba pa.

Nauna rito ay naglabas ang United States at Canada ng travel advisory sa kanilang mga mamamayan na iwasang magpunta sa Mindanao.

Samantala, posibleng makaapekto sa pagsusulon­g sa usapan pangkapaya­paan sa Mindanao ang insidente ng pagpapasab­og sa isang mall sa Cotabato City.

Ayon kay Presidenti­al Adivser on the Peace Process Carlito Galvez, may ilang grupo na patuloy pa ring kumokontra sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa ngayon, aniya, ay mahalaga na maging mahinahon ang mga tagaCotaba­to habang gumugulong ang imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines