Balita

Carlo, dedma sa ‘patama’ tweet ni Angelica

- Ni NORA V. CALDERON

MARAMING nagulat sa tweet ni Angelica

Panganiban noong isang umaga. Sabi niya: “Gusto kong mag-asawa this year.”

Feeling ng mga fans ni Angelica at ng dating boyfriend na si Carlo Aquino, ay ang aktor ang pinatatama­an ni Angelica. Dahil last Christmas, nag-post pa si Angelica ng picture na kasama nila ng kanyang pamilya si Carlo na nag-Pasko sa kanilang tahanan.

Pero nalungkot din ang fans dahil walang reaksiyon si Carlo sa naturang tweet ni Angelica. Right time na raw naman ni Angelica na lumagay sa tahimik, okay lang na gusto na niyang magpakasal dahil 32 years old na ang aktres.

Nabalita na rin kasi na ang dati ring boyfriend niyang si John

Lloyd Cruz ay ikinasal na sa girlfriend nitong si Ellen

Adarna noong December 23, kasabay ang binyag ng kanilang baby boy.

Natawa rin naman si Angelica nang sundan niya ang nasabing tweet: “Parang ice cream lang ang hiningi ko, noh!”

Sinagot naman kaagad ito ng kanyang best friend na si Glaiza de Castro: “Meron sa ref...”

Sumagot din ang kaibigan ni Angelica na si Marvin Agustin: “Oh my, natawa at kinilig naman ako sa gusto mo this year. Pero puwede ‘yan na parang ice cream, lalo na kung ready na ready ka na! I’ll be very happy for you, Baby Angel if ever...” Siyempre pa ay natuwa ang mga fans nina Angelica at Carlo, at tweet din nila, ipagdarasa­l nilang magkatotoo ang wish ni Angelica. Dasal din nila ay muling magtambal sa isang movie o isang teleserye ang kanilang mga idolo.

 ??  ??
 ??  ?? Angelica
Angelica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines