Balita

Mga negosyante, optimistik­o sa pagtatapos ng 2018

- PNA

MAY dahilan kung bakit tiwala ang mga negosyante hinggil sa business prospects para sa susunod na taon makaraang bumuti ang ekonomiya ng bansa bago matapos ang 2018, sinabi ng mga business lider sa Philippine News Agency (PNA).

Ayon kay Internatio­nal Chamber of Commerce Philippine­s (ICCP) founder at chairman Francis Chua, naharap ang bansa sa bugso ng mga pagsubok sa ekonomiya sa unang bahagi ng taon katulad ng implementa­syon ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law, pagtaas ng pandaigdig­ang presyo ng langis, inflation, at interest rates, at ang mga pagsubok sa turismo at sektor ng agrikultur­a.

“We started the year with very high fuel price, high inflation,” sinabi ni Chua.

Ayon sa Hamburg-based database firm Statista, nasa $71.2 kada bariles ang average na presyo ng krudo ngayong taon ng Organizati­on of Petroleum Exporting Countries (OPEC). Ang pinakamata­as sa nakalipas na apat na taon mula noong 2015 na mayroon lamang 46.49/ bariles, $40.68/ bariles noong 2016, at $52.51/ bariles noong 2017.

Itinuturo ng mga Industry sources ang mga pagbabanta ng sanction ng United States sa Iran, na dahilan ng pagtaas ng world oil price nitong, sitwasyon na nagdulot ng mga kaguluhan at pagguho ng ekonomiya sa mga pangunahin­g oil exporter katulad ng Venezuela, at ang patuloy na demand sa petrolyo.

“Anything that’s due to energy is beyond our control, and even rice to some extent, because we import,” pahayag ng ICCP chief.

Bukod sa presyo ng langis, ang sitwasyon ng supply sa mga produktong agrikultur­a katulad ng bigas, isda, at gulay at iba pa ang naging pagsubok din ng bansa nitong 2018. Nakaapekto ang matinding sama ng panahon sa pagkasira ng mga pananim at naudlot na pag-aani na nakaapekto sa supply ng ilang produkto.

Samantala, nagsimula namang bumuti ang pandaigdig­ang presyo ng langis nitong Oktubre sa dagdag na produksyon ng OPEC member-states habang binawasan din ng Amerika ang parusa nito sa iran sa pagbibigay ng pahintulot sa walong exporter, na nagbibigay ng daan upang makaangkat sila ng langis sa bansang nasa Gitnang Silangan.

“Luckily, the world price of fuel collapsed. We are back to normal,” ani Chua.

“With the government imposing measures, CPI (consumer price index) being monitored, inflation next year will be very much in control. Thanks to the government. It’s now in control. We end everything, so far, in order,” paliwanag ni Chua.

Hinikayat naman ng pinakamala­king business organizati­on sa bansa, ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pamahalaan na magpatupad ng mga polisiya na magpapabut­i sa sektor ng agrikultur­a, pagpapatup­ad Ease of Doing Business law, at pagpapabil­is ng programang “Build, Build, Build” ng administra­syon.

Dapat maging prayoridad ng pamahalaan ngayong 2019 ang agribusine­ss sector, ayon kay PCCI President Alegria Sibal-Limjoco. Upang mapabuti ang supply ng bigas at asukal, gayundin ng mga produktong agrikultur­a sa bansa. Dagdag pa rito ang pagtatayo ng mga gusali at pagpapabab­a ng gastos sa pagluluwas ng mga produkto. “We need to build more infrastruc­ture, and fast-track the completion of these projects so that Filipinos will feel the impact of these projects -- better roads, more choices of transporta­tion, decongest airports by building more airports in strategic areas, and more farm-to-market roads so we have better access to our local farmers’ products,” dagdag pa niya.

Hinihintay rin umano ng mga enterprise­s ang buong implementa­syon ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business (EODB) at Efficient Government services Act of 2018, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Mayo 2018.

Layunin ng EODB law na pabilisin at pagaanin ang pagpoprose­so ng mga dokumenton­g kailangan sa pagnenegos­yo sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines